^

Bansa

Marcos hinikayat mga Muslim bumuo ng 'lipunang nagmamahalan' ngayong Eid’l Fitr

James Relativo - Philstar.com
Marcos hinikayat mga Muslim bumuo ng 'lipunang nagmamahalan' ngayong Eid’l Fitr
Muslims attend Eid al-Fitr prayers, marking the end of the holy month of Ramadan, at a park in Manila on April 10, 2024.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipinong mananampalataya ng Islam na magpanday ng lipunang "puno ng pag-ibig, kasaganahan at awa" habang binabati ang sila ngayong Eid’l Fitr.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng Ramadan, pinaalala ng pangulo sa mga katid na Muslim ang tunay na diwa ng pagdiriwang.

Aniya, oportunidad ito para magbigay pasasalamat para sa "spritual renewal" at "nourishment" dulot ng isang buwang pagdarasal, sakripisyo at paghingi ng tawad.

"Truly, the Festival of Breaking the Fast marks not only the culmination of Ramadan, but also the rededication of one’s journey towards a more disciplined, dignified, and gracious life," ani Bongbong, Miyerkules, sa isang pahayag.

"As you take to heart the insights from your devotion, may you become shining examples of humility, peace, and strength among our people as they overcome challenges and nurture their trust in the Almighty."

Hiniling din ng presidente ang tuloy-tuloy naa pagbibigay ni Allah ng karunungan at katatagan habang sinisikap makamit ang pagkakaisa, kasaganahan at pakikipagkapwa sa lahat ng tahanan at komunidad.

Una nang idineklara ni Marcos Jr. bilang regular holiday ang ika-10 ng Abril para sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr.

"It is also my sincere hope that, despite our diversity in beliefs and philosophies, we will remain united by our shared aspiration for a more progressive and resilient nation moving forward," wika ng pangulo.

"Let us strive to forge a society where love prevails over indifference, where faith outshines doubt and fear, and where oneness conquers division and discord. May the deepest desires of our hearts be granted. Eid Mubarak."

Ano ba ang Eid'l Fitr?

Ipinagdiriwang tuwing Eid'l Fitr ang pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim tuwing Ramadan habang may araw pa.

Tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang holiday. Naghahanda ng matatamis na pagkain ang mga mananampalataya nito, bagay na ibinibigay sa mga bata at nangangailangan.

Hinihikayat ang mga Muslim sa panahong ito naa magpatawad at humingi ng tawad. Gayunpaman, iba-iba ang praktika ng mga Muslim kada bansa.

Karaniwang nilalagyan ng mga palamuti gaya ng mga parol, pailaw o bulaklak sa mga bansa gaya ng Ehipto at Pakistan — maliban sa paghahanda ng espesyal na putahe.

Nariyan din ang pagtatayo ng mga "Ramadan markets" sa mga bansa gaya ng Jordan atbp. ilang araw bago ang pagdiriwang, bagay na mauuwi sa palitan ng regalo pagsapit ng Eid'l Fitr.

Sinimulan ng propetang si Muhammad ang 30-araw na fasting kaugnay ng paglalahad sa kanya ng Quran. 

BONGBONG MARCOS

EID'L FITR

ISLAM

MUSLIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with