DOTr chief: Walang dagdag na MC Taxis sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Binigyan linaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi na madaragdagan ang bilang ng MC taxi service sa Metro Manila.
Tugon ito ni Bautista sa panawagan ng NACTODAP na itigil na ng LTFRB ang MC TAXI service expansion dahil sobrang dami na ng bilang nito dahilan para maapektuhan na ang kanilang hanapbuhay.
Sinabi ni Bautista na ang dagdag na 8,000 slots na nailabas ng LTFRB kamakailan ay para lamang sa labas ng Metro Manila.
“Tigil na ang pagdaragdag ng LTFRB ng MC taxi service slots at ‘yung nadagdag na 8,000 slots ay para lamang sa labas ng Metro Manila dahil may kakulangan nito sa probinsiya,” sabi ni Bautista.
Sa panayam, sinabi ni Bautista na sa ngayon ay hihintayin na lamang ng tanggapan ang desisyon ng Committee on Transportation sa resulta ng pag-aaral ng MC Taxi Technical Working Group (TWG) para sa MC taxi service.
Sa kasalukuyan, may 5 taon na ang ginagawang pilot study ng MC Taxi-TWG sa MC taxi service.
Nagkaroon ng pag-aaral para rito ang MC Taxi TWG upang ma-legalized ang operasyon ng mga habal-habal na motor na nagsasakay ng pasahero na walang permit mula sa LTFRB.
- Latest