^

Bansa

Bangkang pangisda ng mga Pinoy, hinaras ng China

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bangkang pangisda ng mga Pinoy, hinaras ng China
Batay sa report ng Task Force on West Philippine Sea (WPS), ang harassment ay naganap nitong Abril 4.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Muling hinaras ng China Coast Guard (CCG) ang mga bangkang pangisda ng mga Pinoy na sumusuporta sa maritime operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bisinidad ng katubigan ng Rozul Reef sa Spratly Islands.

Batay sa report ng Task Force on West Philippine Sea (WPS), ang harassment ay naganap nitong Abril 4.

Nasa 25 fishing boats ang nag-volunteer na umalalay sa PCG’s BRP Cabra at BFAR’s BRP Lapu-Lapu sa paglalagay ng mga ‘floating aggregate devices ‘ o payao sa bisinidad ng Rozul Reef nang palibutan ang mga ito ng CCG vessels na may tail number 21551 at 21556.

Sa pahayag ni Commodore Jay Tarriela, PCG Spokesperson for West PH Sea, ang mga CCG ships ay nagsagawa ng pagharang sa resupply operation sa Ayungin ( Second Thomas ) Shoal.

“The Chinese Coast Guard vessels went as far as pretending to man their water cannons and threatening the Filipino fishermen,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Tarriela na nagpapakita lamang ang insidente ng labag sa batas na pag-uugali ng China na pinagkakaitan ng karapatan ang mga Pilipinong mangingisda sa karapatan nito na makinabang sa resources sa loob ng 200 milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Idinagdag pa ng opisyal na ang agresibong aksiyon ng China ay bunga ng walang basehang paggiit ng nasabing bansa na ang halos buong bahagi ng WPS ay kanilang pag-aari base sa inimbento ng mga itong walang basehang ‘9 dashed line”.

vuukle comment

CCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with