^

Bansa

DOH: Patay sa 'whooping cough' lumobo sa 49 katao

James Relativo - Philstar.com
DOH: Patay sa 'whooping cough' lumobo sa 49 katao
A teacher at the Rafael Palma Elementary School in Manila distributes face masks to her students as a preventive measure, following news of high cases of pertussis or whooping cough in Metro Manila.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Patuloy pa ring nakapagtatala ng mga kaso ng pertussis o "whooping cough" sa Pilipinas, ito habang inililinaw ng Department of Health (DOH) na lagpas isang buwan pa bago maramdaman ang epekto ng vaccination efforts.

Martes nang ibalita ng DOH ang nasa 862 kaso ng pertussis mula Enero hanggang Marso, kabilang na riyan ang 49 nasawi. Sinasabing 30 na beses itong mas malaki kaysa noong parehong panahon ng 2023.

"The five Philippine regions reporting the most number of cases are MiMaRoPa (187), NCR (158), Central Luzon (132), Central Visayas (121), and Western Visayas (72)," paliwanag ng kagawaran.

"Of the total Pertussis cases thus far recorded, 79% were less than 5 years old. At least six out of ten (66%) of these young children were either unvaccinated or did not know their vaccination history. Adults aged 20 and older account for only 4% of cases."

Pinag-iingat naman ng DOH ang publiko sa pag-intindi sa mga datos na ito lalo na't maaari pa raw itong magbago dahil sa pagpasok ng late consultations at reports.

Bukod pa rito, maaaring hindi raw makita ang epekto ng pagpapabakuna laban sa sakit hanggang hangga't wala pang apat hanggang anim na buwan.

Una nang hinikaayat ng DOH ang mga Pilipinong magpabakuna laban sa sakit matapos ng biglaang pagtaas ng kaso ng pertussis at tigdas, bagay na parehong nakamamatay.

"Time is of the essence. Our DOH Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESUs) are in constant coordination with provincial, city, and municipal health offices to provide scientific advice," paliwanag ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pahayag kagabi.

"We are helping LGUs move to break transmission and protect children. Vaccines are available, and more have been ordered."

Ano ba ang pertussis?

Nagsisimula ang pertussis bilang mahinang ubo at sipon na tumatagal ng hanggang dalawang linggo. Sinusundan ito ng "paroxysms" na umaaabot ng hanggang anim na linggo.

Merong pag-"huni" na maririnig sa pagitan ng mga ubo lalo na sa tuwing humihinga kapag mayroon ito.

Kaugnay niyan, posible ring makaranas ng:

  • pagsuka
  • mababang lagnat
  • pangangasul tuwing umuubo

Idinudulot ng bacteriang "Bordetella pertussis" o "Bordetella parapertussis" ang whooping cough, bagay na kayang malabanan ng antibiotics.

Maaaring tumagal ng apat hanggang 14 na araw ang gamutan bago makakita ng pagbabago. Bilang respiratory disease, naipapasa ito sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng tao. 

Ipinapayo tuloy ng DOH ang pagsasapraktika ng good respiratory hygiene sa tuwing gagawin ito gaya na lang ng pagtatakip ng mga ubo o hatsing, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, pagsusuot ng face masks, atbp.

COUGH

DEPARTMENT OF HEALTH

PERTUSSIS

VACCINATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with