^

Bansa

Korte sa Davao ipinaaaresto Quiboloy dahil sa sexual abuse ng menor de edad

James Relativo - Philstar.com
Korte sa Davao ipinaaaresto Quiboloy dahil sa sexual abuse ng menor de edad
Litrato ni Apollo Quiboloy
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naglabas na ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court (RTC) Branch 12 ng warrant of arrest laban sa kontrobersyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy para sa reklamong sexual at child abuse.

Ang order ay nilagdaan ni presiding judge Dante Baguio nitong ika-1 ng Abril, bagay na ngayong Miyerkules lang isinapubliko. Para ito sa magkahiwalay na reklamong child abuse at pakikipagtalik sa menor de edad.

"As what was earlier determined upon judicious examination and perusal of information where it found probable cause, let the warrants of arrest already issued be implemented immediately," wika ng Davao RTC Branch 12.

Ang naturang warrant ay una nang kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros, na siya ring chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. 

Ika-14 ng Marso pa nakitaan ng probable cause ng korte si Quiboloy kaugnay ng child abuse o Section 10(a) ng Republic Act 7610 at sexual abuse ng bata sa ilalim ng Section 5(b) ng RA 7610. Gayunpaman, ngayon lang naging epektibo ang warrant.

Tanging si Quiboloy lang ang akusado kaugnay ng sexual abuse habang kasama niya naman ang mga sumusunod para naman sa child abuse:

  • Jackielyn W. Roy
  • Cresente Canada
  • Paulene Canada
  • Ingrid C. Canada
  • Sylvia Cemañes

Una nang naghain ng motion to defer/suspend proceedings and hold in abeyance issurance of warrant of arrest ang mga abogado ni Quiboloy kaugnay ng mga reklamo.

"Acting on the said Motion, the Court issued an Order, likewise on the same date, granting the Motion but only as to the fact that accused filed their Motion for Reconsideration to the Department of Justice' Resolution indicting them as charged," sabi ng korte.

"Further as stated in that Order, the proceedings were, for the meantime suspended within a reasonable time, pending resolution of accused 'Motion for Reconsideration to the effect that the implementation of the warrants of arrest was held in abeyance,'" dagdag pa nito.

"Now that more than reasonable time has lapsed, the Court did not receive any resolution of the accused 'Motion for Reconsideration by the [DOJ] neither a copy of the same was furnished to the Court by accused' counsels nor a manifestation was duly filed, at the very least."

Aniya, isinang-alang-alang ng korte sa desisyong ito ang karapatan sa mabilis na disposisyon at paglilitis ng mga kaso kung kaya't hindi na inantay ng RTC ang resolusyon ng mosyon nina Quiboloy.

Matatandaang naglabas na rin ng warrant of arrest ang Senado laban kay Quiboloy upang pormal na tumestigo sa mga pagdinig ng Kongreso kaugnay ng sexual abuse sa loob ng KOJC.

Bukod pa ito sa reklamong qualified human trafficking sa Pasig court at inirekomendang child abuse at trafficking charges ng DOJ.

Kasalukuyang nagtatago sa batas ang naturang religious leader, na wanted sa Estados Unidos, matapos sabihing nais siyang ipa-kidnap o ipapatay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipagtulungan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Central Intelligence Agency (CIA).

Una nang pinasinungalingan ni Marcos ang paratang habang ineengganyo ang "Appointed Son of God" na humarap sa mga reklamong nakahain laban sa kanya.

APOLLO QUIBOLOY

CHILD ABUSE

CHILDREN

DAVAO CITY

REGIONAL TRIAL COURT

SENATE

SEXUAL ABUSE

WARRANT OF ARREST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with