^

Bansa

4 na planeta makikitang 'nakahilera' sa ika-4 ng Abril — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
4 na planeta makikitang 'nakahilera' sa ika-4 ng Abril — PAGASA
Simulation photo ng Venus, Neptune, Saturn at Mars habang nakahilera bandang 5:15 a.m. sa darating na ika-4 ng Abril, 2024
Stellarium Software sa pamamagitan ng PAGASA

MANILA, Philippines — Makikitang nakahilera sa isang "planetary alignment" ang Venus, Saturn, Mars at Neptune sa mga himpapawid ng Pilipinas pagsapit ng Huwebes ng madaling araw, ayon sa isang pahayag ng state astronomers.

Makikita ang pagpila ng apat na planeta bandang umaga ng ika-4 ng Abril 2024. Karamihan sa mga planeta ay kayang makita kahit walang gamit na teleskopyo.

"The planets Venus, Saturn, and Mars can be seen with the naked eye, however, viewing Neptune will require a modest telescope or high-powered binoculars," sabi ng PAGASA.

"A planetary alignment is a term used in astronomy to describe the phenomenon when multiple planets gather closely on one side of the Sun at the same time."

"This provides a stunning celestial display that can be observed without the need for special astronomical equipment."

Bagama't walang eksaktong oras kung kailan ito mismo makikita, ipinasilip ng PAGASA ang paghihilera ng mga nabanggit bandang 5:15 a.m. gamit ang Stellarium Software.

Hindi gaano makikita ang Mercury ngayong Abril dahil sa lapit nito sa araw habang mapapansing mababa sa kalangitan ang Venus tuwing umaga.

Matatanaw ang Mars at Saturn sa mababang bahagi ng eastern horizon hanggang matapos ang buwan. 

Makikita sa kanluraan ang Jupiter matapos lumubog ng araw ngunit magiging mahirap itong tanawin sa mga huling linggo ng Abril dahil sa sikat ng araw.

ASTRONOMY

MARS

NEPTUNE

PAGASA

SATURN

VENUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with