Teves agad iuuwi sa Pinas – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ang lahat ng hakbang para maibalik dito sa bansa si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para harapin ang mga isinampang kaso laban sa kanya.
Kasabay nito, tiniyak din ni Pangulong Marcos sa publiko na walang sasayangin na pagsisikap ang gobyerno na mananaig ang hustisya sa naturang kaso.
Pinuri naman ng Pangulo ang sama-samang pagsisikap ng mga otoridad at international partners para sa matagumpay na pagkakaaresto kay Teves sa Timor-Leste.
“I extend my heartfelt gratitude to all those involved in this operation for their unwavering dedication to upholding peace and order,” pahayag pa ng Pangulo.
Matatandaan na Agosto 2023 nang patalsikin bilang miyembro ng House of Representative si Teves.
Pebrero 2024 naman nang magpalabas ng kautusan ang Manila Regional Trial Court (MTC) Branch 51 sa Department of Foreign Affairs (DFA) para kanselahin ang pasaporte ni Teves.
Si Teves ay ilang buwan na nagtago sa Timor-Leste.
- Latest