^

Bansa

Marcos team sinubukan ipatigil ang panayam sa usapang 'ill-gotten wealth' — Australian journo

James Relativo - Philstar.com
Marcos team sinubukan ipatigil ang panayam sa usapang 'ill-gotten wealth' — Australian journo
Litrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Released/Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Sinubukan daw ng kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil ang isinagawang interview ng ABC News Australia matapos matanong sa "nakaw na yaman" ng kanilang pamilya, ayon sa nagsagawa ng panayam.

Sa isang TikTok video na inilabas nitong Martes (oras sa Pilipinas), ikwinento ng Australian journalist na si Sarah Ferguson kung paano kumilos ang mga "minders" ni Bongbong habang napag-uusapan na ang katiwalian.

"What is not visible, except for a few, literally like a few little shadows on the screen, is that from the moment that I mentioned his father, the minders, first of all, start to move," paliwanag ni Ferguson.

"They start to talk amongst themselves. Then they start talking to the producer, trying to get her to shut the interview down."

@abcnewsaus What happens when you ask a president a question about his father's corruption?  Sarah breaks down what you may have missed from her interview with Philippine President Ferdinand Marcos Jr, and what happened with his minders behind the scenes. #Philippines #FerdinandMarcos #Interview #BehindTheScenes #ABC730 ? original sound - ABC News Australia

Tumutukoy ang salitang "minder" sa isang bodyguard na nagproprotekta sa isang sikat o importanteng tao.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang tawaging "propaganda" ni Bongbong ang pagnanakaw ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa kaban ng bayan. Nakuha pang tumawa ng presidente nang matanong tungkol dito, bagay na sinita ni Ferguson.

Ito'y kahit ilang beses na itong kinilala ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017. Tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ill-gotten wealth na ibinulsa ni Marcos, na kilala sa human rights violations matapos ideklara ang Martial Law.

Kahit si Marcos Jr. na ang pangulo, nariyan pa rin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) para mabawi ang mga nakaw na yaman.

Bagama't ibinasura noong 2019 ng Sandiganbayan ang P200 bilyong civil forfeiture case laban sa pamilya Marcos, kinilala ni Sandiganbayan Associate Justice Alex Quiroz ang "attrocities" na nangyari noong Martial Law, na siyang nagdulot aniya ng "'plunder'... on the country’s resources."

"And then as the questions go on, they [minders] start moving closer towards Marcos and I," dagdag pa ni Ferguson.

"They are standing just behind his chair, and I want to push on to ask him what his responsibility is, what his relationship is to what his father did and his acceptance of that, and what it means for him as the president."

"It's extremely tense. And I'm just trying to get to the end so I can land a, 'Thank you for talking to 7.30,' when at that stage, I know he's wishing that he hadn't."

Sa parehong interbyu, matatandaang sinabi ni Marcos na wala siyang planong maging diktador.

Umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 ang pinatay kaugnay ng Batas Militar ni Marcos Jr. mula 1972 hanggang 1983, ayon sa datos ng Amnesty International.

AUSTRALIA

BONGBONG MARCOS

ILL-GOTTEN WEALTH

MARTIAL LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with