Mga resorts sa Mt. Apo nagsulputan din - Tulfo
MANILA, Philippines — Hindi lamang sa Chocolate Hills may nakapagtayo ng resort kundi maging sa Mt. Apo.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, maraming nagsumbong sa kanya na maraming tourist sites at protected area ang hindi nababantayan kabilang na ang Mt. Apo.
Sinabi ni Tulfo na isang grupo ng mountaineer ang tumawag sa kanyang atensiyon at nagsabi na naglipana na sa Mt. Apo National Reserve sa side ng Digos ang mga resorts.
“From the tiny hills in Bohol, nais ko po dumako sa Mt. Apo ng Davao. Ayon sa kanila, madami din resorts ang naglipana sa Mt. Apo National Reserve sa Digos side, ito raw Twin Mountain View Resort, MonteFrio Resort at Villa Recurso. Labas na sa buffer zone itong mga ito, kung ang pagbabasehan ay ang nakita namin sa google earth and comparing it with the map of Mount Apo,” ani Tulfo.
Nais ni Tulfo na alamin ng Senado kung sino ang nagbigay ng permit para makapag-operate ng negosyo sa Mt. Apo National Reserve.
Ayon pa kay Tulfo, nakakabahala ang nasabing isyu lalo pa’t noong isang taon lamang ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang preserbasyon ng Mt. Apo at isulong ang pagsasama nito sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) list of World Heritage Sites.
Dapat aniyang masagot kung papaano naitayo ang mga ilegal na structures sa Multiple Use Zones ng Mt. Apo.
- Latest