^

Bansa

Senado naglabas na ng 'arrest order' vs Quiboloy

James Relativo - Philstar.com
Senado naglabas na ng 'arrest order' vs Quiboloy
Litrato ni Apollo Quiboloy
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pormal nang ipinaaaresto ng Senado ang pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy matapos paulit-ulit isnabin ang pagdinig sa mga diumano'y sexual abuse sa loob ng kanilang grupo.

Ang kautusan ay nilagdaan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate women, children, family relations, and gender equality committee chairperson Risa Hontiveros ngayong Martes.

"[Upon] motion of the undersigned Chairperson, and seconded by Senator Aquilino 'Kiko' Pimentel III, the Committee, during the March 5, 2024 hearing, hereby cites PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY in contempt of the Committee, and of the Senate, and ordered arrested and detained at the Office of the Sergeant-At-Arms until such time that he will appear and testify in the Committee, or otherwise purges himself of that contempt," wika ng kautusan.

"The Sergant-At-Arms is hereby directed to carry out and implement this Order and make a return hereof within twenty-four (24) hours from its enforcement."

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang i-cite in contempt ni Hontiveros si Quiboloy dahil sa patuloy na hindi pagtestigo sa naturang imbestigasyon in aid of legislation, dahilan para irekomenda niya kay Zubiri ang pagpapaaresto sa naturang "Appointed Son of God."

Una nang sinabi ni Quiboloy, na wanted sa Estados Unidos kaugnay ng reklamong sexual trafficking ng kababaihan at mga menor de edad, na siya'y nagtatago dahil sa diumano'y banta sa kanyang buhay sa utos nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., US Federal Bureau of Investigation at Central Intelligence Agency.

Itinanggi na ni Marcos Jr. ang naturaang paratang at sa halip ay hinikayat ang religious leader na dumalo sa pagdinig ng Senado at Kamara.

'Hindi para magparusa'

Idiniin naman ni Zubiri na hindi layon ng arrest order na parusahan si Quiboloy ngunit para mabigyan ng pangil ang isinasagawang imbestigasyon.

"[It] is ministerial for me to sign the order of arrest. We are signing the order to protect our Committee system, to preserve the Senate's power of inquiry with process to enforce it," paliwanag pa ng Senate president.

"Should the witness appear during the next hearing and purge himself of contempt, there will be no need to order his arrest."

"We reiterate that the purpose of the order of arrest is not to punish but to make the inquiry potent and compelling."

Kinuha na noon ang paliwanag ni Quiboloy kung bakit hindi siya dapat maaresto kaugnay ng contempt ngunit hindi ito nakitaan ng merito nina Hontiveros.

Ilang linggo na ang nakalilipas nang subukang harangin nina Sen. Robinhood Padilla, Sen. Bong Go, Sen. Cynthia Villar at Sen. Imee Marcos ang contempt order gamit ang dahilang "separation of church and state."

Hindi sila nanaig sa kanilang mosyon. — may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

APOLLO QUIBOLOY

ARREST ORDER

HUMAN TRAFFICKING

JUAN MIGUEL ZUBIRI

RISA HONTIVEROS

SENATE

SEXUAL ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with