^

Bansa

Makabagong istratehiya laban sa mananakop sa West Philippine Sea suportado ng defense scholars

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga iskolar ng National Defense College of the Philippines (NDCP) na malaki ang maitutulong ng mga bagong defense strategies sa agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapanatili ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at hindi masasakop ng mga dayuhan.

Ginawa ni NDCP Alumni Aldin Cuña  ang pahayag matapos na tiyakin ni  Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na ipatutupad na ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) upang mapangalagaan ang katubigan ng Pilipinas.

Aniya, ang pagpopondo sa makabagong defense strategies para sa EEZ ay mahalaga upang matiyak ang food at energy security.

“Thus, the CADC is about guarding the riches future generations should enjoy, bounties we should not lose during our watch, part of national patrimony we should develop to improve the lives of our people,” ani Cuña.

Nagpahayag ng kagalakan ang NDCP na gagawan ng paraan ng pamahalaan na masolusyon ang problema sa kabila ng  kakaunting resources.

Binigyan diin naman ni Commodore Jerry Simon, NDCP alumni board, pinalakas ng CADC ang  diplomasya, pakikipag-alyansa upang patuloy na maipaglaban ang karapatan at national interest ng Pilipinas.

Dagdag naman ni Professor Vladimir Mata, isa pang NDCP alumni board, kung may pagbabanta  kailangan ang mga bagong estratehiya.

vuukle comment

GIBO TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with