^

Bansa

SWS: Marcos lumobo net satisfaction rating, pwera sa Mindanao

James Relativo - Philstar.com
SWS: Marcos lumobo net satisfaction rating, pwera sa Mindanao
Incoming Philippine President Ferdinand Marcos Jr (L) and outgoing President Rodrigo Duterte (C) take part in the inauguration ceremony for Marcos at the Malacanang presidential palace grounds in Manila on June 30, 2022. The son of the Philippines' late dictator Ferdinand Marcos was to be sworn in as president on June 30, completing a decades-long effort to restore the clan to the country's highest office.
Francis R. Malasig / Pool / AFP

MANILA, Philippines — Umakyat nang bahagya ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong Pilipinas, maliban sa Mindanao kung saan nakatira ang nakasagutang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa survey na ikinasa ng Social Weather Stations (SWS) nitong Disyembre 2023 na inilabas nitong Huwebes, napag-alamang nakakuha si Marcos ng +47 na net satisfaction rating, bagay na kinaklasipika bilang "good."

Nakuha ang naturang numero matapos iawas ang porsyento ng mga "satisfied" sa mga "dissatisfied" sa trabaho ng presidente:

  • satisfied: 65%
  • undecided: 17%
  • dissatisfied: 18%

Mas mataas ang December net satisfaction rating kaysa sa +44 (good) noong Setyembre 2023.

"As of December 2023, President Marcos’ net satisfaction rating was highest in Balance Luzon at very good +52, followed by the Visayas at very good +51, Metro Manila at good +44, and Mindanao at good +38," dagdag ng SWS kagabi.

"Compared to September 2023, net satisfaction with Pres. Marcos rose by 8 points from +36 in Metro Manila, by 4 points from +48 in Balance Luzon, and by 18 points from +33 in the Visayas. However, it fell by 12 points from +50 in Mindanao."

Matatandaang pinaratangang "adik" at "bangag" ni Duterte si Marcos ilang buwan na ang nakalilipas. Sinagot naman ito ni Marcos  at sinabing epekto ng ilang taong fentanyl use ang mga sinabi ni Duterte.

Nangyayari ito kahit na ikalawang pangulo ni Marcos si Bise Presidente Sara Duterte, na siyang anak ng nakatatandang Duterte.

Samantala, tumaas din aniya ang net satisfaction ni Marcos sa probinsya habang bumaba naman ito sa mga sentrong lungsod:

  • probinsya: +56 (very good)
  • sentrong lungsod: +39 (good)

Ito'y 12 puntos na pagtaas mula sa +44 sa rural areas habang 6 puntos na pagbaba ito sa urban areas na noo'y nasa +45.

Tumaas naman din ang net satisfaction sa presidente sa hanay ng kalalakihan (+53) mula sa dating +47. Samantala, hindi ito nagbago sa hanay ng kababaihan sa +41.

Tumataas sa 25-44 taong gulang

Napansin naman ng SWS ang sumusunod na net satisfaction rating para sa mga sumusunod na age groups:

  • 18-24: +53%
  • 25-34: +63
  • 35-44: +43
  • 45-54: +49
  • 55-anyos pataas: +44

"Compared to September 2023, net satisfaction with the President hardly moved from +52 among the 18-24-year-olds, from +42 among the 35-44-year-olds, and from +43 among those 55 years old and older," sabi pa ng SWS.

"It rose by 8 points from +45 among the 25-34-year-olds and by 5 points from +44 among the 45-54-year-olds."

Napansin naman ang sumusunod na net satisfaction rating ni Marcos sa mga sumusunod na educational backgrounds:

  • no formal education/some elementary education: +51
  • finished elementary/ had some high school education: +56
  • finished junior high school/had some vocational schooling/ had some senior high school/finished senior high school/ completed vocational school/ attended some college: +45
  • graduated from college/took post-graduate studies: +36

Isinagawa ang pag-aaral mula ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre gamit ang harapang pabayam sa 1,200 kataong nasa wastong gulang.

Tig-300 ang kinuhang sample size mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Meron itong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages habang ±5.7% ito sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Hindi kinomisyon ang survey items at ikinasa gamit ang sariling inisyatiba ng SWS bilang serbisyo publiko.

BONGBONG MARCOS

SATISFACTION RATING

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with