^

Bansa

Sunog sumiklab sa loob ng Philippine General Hospital

James Relativo - Philstar.com
Sunog sumiklab sa loob ng Philippine General Hospital
Kuha ng sunog sa Philippine General Hospital, ika-13 ng Marso, 2024
Released/University of the Philippines-Manila; Video grab mula kay News5/Justinne Punsalang

MANILA, Philippines — Inilikas ang mga pasyente, medical personnel at mga kawani ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila matapos sumiklab ang sunog sa loob ng compound ng pagamutan ngayong Miyerkules.

Makikita sa ilang video ang sunud-sunod na pagpasok ng fire volunteers sa naturang government-owned facility habang papaakyat ang makapal at itim na usok.

"Ongoing fire at the Medicine Ward of the Philippine General Hospital," wika ng University of the Philippines-Manila (UPM) sa Facebook, na siyang nagpapatakbo sa pampublikong ospital.

"Firetrucks and firefighters are already at the scene to quell the fire and smoke. Please stay clear of the area and its surroundings."

 

 

 

Pinalabas naman ng cancer ward ang mga pasyente, doktor, nurse at kawani ng PGH habang pilit na inaapula ng mga bumbero ang apoy. 

Ang ilan sa mga lumikas na pasyente ay nakasakay ng wheelchair habang ang iba naman ay may saklay pa at dextrose. 

Ayon sa TXTFIRE PHILIPPINES, "under control" na ang sunog sa main building ng ospital bandang 3:32 p.m. Sinasabing umabot ng ikatlong alarma ang sunog.

Ang third alarm ay nangangahulugan ng pagkasunog ng walo hanggang siyam na bahay o high-rise building. Kakailanganin ang 12 trak ng bumbero sa sa ganitong pangyayari, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Wala pa namang tinutukoy na sanhi ng apoy ang mga otoridad sa ngayon.

Saan maaaring mag-donate?

Ayon sa UPM Student Council, kinakailangan ngayon ng mga intubated patients ang bag valve masks at oxygen masks habang nananatili ang mga nabanggit sa PGH Atrium.

"Donations may be dropped at the UPM USC Office, 4th Floor, Old NEDA Building, Padre Faura St. (in front of Robinsons Manila), Ermita, Manila," wika ng UP Office of the Student Regent.

 

 

Maaaring magbigay ng tulong pinansyal sa mga sumusunod bilang donasyon:

BPI

  • Kyla Sofia Benedicto (3289433779)

Gcash

  • Kyla Sofia Benedicto (09499322364)

Paymaya

  • Kyla Sofia Benedicto (09499322364)

— may mga ulat mula sa News5

FIRE

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with