^

Bansa

Poll pinagtibay ang malawakang suporta sa gobyerno na ipagtanggol ang soberanya — lawmaker

Philstar.com
Poll pinagtibay ang malawakang suporta sa gobyerno na ipagtanggol ang soberanya — lawmaker
Filipino fishermen fetch MV Kapitan Felix Oca at a designated rendezvous point in the West Philippine Sea on December 11, 2023.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines – Lumilitaw na malawakang suportado  ang paninindigan ng gobyerno na ipagtanggol ang soberanya makaraang lumabas sa isang survey na karamihan sa mga Pinoy ay nakahandang lumaban para sa bansa.

Sinabi ni House Foreign Affairs Committee member Rep. Rida Robes na itinuturing niya ang OCTA Research Poll na lumitaw na 77% ng mga Pinoy ang nakahandang labanan ang foreign invaders na  "affirmation" sa paninindigan ng pamahalaan na pangalagaan ang bansa. 

"It is a 'patriotic gauge' which shows that when summoned to serve, Filipinos will do so willingly. That’s a 'love of country index' which should put to rest doubts that Filipinos are hesitant to fight for the flag," sabi ni Robes, na kinakatawan ang San Jose del Monte, Bulacan. 

Sa pamamagitan ng OCTA Research poll, binigyang-diin ni Robes na "it is our countrymen articulating their agreement to what they have been singing with fervor — sa manlulupig, 'di ka pasisiil."

"But this should not be viewed as a call to arms and an abandonment of the use of diplomatic means to resolve disputes," sabi ni Robes, kinatigan ang paninindigan ni President Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang territorial disputes sa West Philippine Sea sa mapayapang pamamaraan.

Ginawa ni Rep. Robes ang pahayag makaraang ilabas ang resulta ng  OCTA Research Poll's Tugon ng Masa poll na isinagawa mula December 10 hanggang 14, 2024. Ang survey ay isinagawa sa 1,200 adult Filipinos na may ±3% margin of error.

Sa nasabing survey ay tinanong ng OCTA Research ang mga respondent na: "If there is a conflict between the Philippines and a foreign enemy, are you ready to fight for your country?"

Agad na isinagawa ang poll makaraang bombahin ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na patungo sa Scarborough Shoal.

Noong sumunod na araw, Dec. 10, binomba ng tubig ng CCG ang mga barko ng Pilipinas sa regular rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sakay si AFP chief General Romeo Brawner Jr. ng isa sa mga barko, ang Unaizah Mae (UM) 1, na binangga ng isang CCG vessel.

OCTA RESEARCH

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with