^

Bansa

PAF jets ideploy sa Palawan – Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PAF jets ideploy sa Palawan – Romualdez
Sinabi ni Speaker Romualdez, “mayroon tayong 12 na fighter jets sa Basa Airbase sa Pam­panga, baka pwede idestino ang dalawa o tatlo sa mga ito, para naman makapag-patrolya sa ­Philippine airspace at iba pang lugar around Palawan”.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Matapos ang isa na namang insidente ng pambobomba ng tubig at pagbangga ng China Coast Guard (CCG) ship sa Philippine resupply ship sa Ayungin Shoal ka­makailan, nais ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magtalaga o magdestino ng dalawa o tatlo sa 12fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa Palawan.

Sinabi ni Speaker Romualdez, “mayroon tayong 12 na fighter jets sa Basa Airbase sa Pam­panga, baka pwede idestino ang dalawa o tatlo sa mga ito, para naman makapag-patrolya sa ­Philippine airspace at iba pang lugar around Palawan”.

“Hindi natin pino-provoke ‘yung China pero res-ponsibility ng Philippine Air Force to patrol our skies,” paliwanag ni Romualdez.

Aniya, “iba rin kasi feeling kapag alam mo na nasa taas mo ‘yung kakampi mo. You feel secured”.

Ipapatawag ng House leader si AFP Chief Gen. Romeo Brawner pati na ang mga hepe ng Airforce, Navy, at Army sa mga susunod na araw para pag-usapan ang nasabing plano.

Sang-ayon naman ang hepe ng Western Command na si Vice-Admiral Alberto Carlos sa plano ni Cong. Romualdez.

“Nakakapagpalakas po ng loob ‘yun ‘pag nandyan mga eroplanong pandigma natin”, sabi naman ng grupo ng mga mangingisda mula Aborlan, Palawan.

Maging si Palawan District Cong. Jose Alvarez ay suportado ang gusto ni Romualdez.

Sa survey ng OCTA Research noong November 2023, maraming Pilipino ang gusto ng mas agresibong aksyon ng militar sa West Philippine Sea.

BASA AIRBASE

PAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with