Australian firm interesadong mamuhunan sa Pinas
MANILA, Philippines — Nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang commitment ng malaking kumpanya sa Australia para mamuhunan sa renewable energy at digitalization sa Pilipinas.
Ito ay matapos makipagpulong ang Pangulo kay Macquarie Group Managing Director and CEO Shemara Wikramanayake sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit dito sa Melbourne.
Binanggit ni Wikramanayke kay Pang. Marcos na gusto nilang mamuhunan sa renewable energy, value-added mining at digitalization sa Pilipinas.
Positibo ang top executive sa mas malaking oportunidad sa bansa pagdating sa paglago ng kanilang kumpanya dahil sa aniya’y mga bata at lumalaking populasyon.
Welcome naman kay PBBM ang interes ng Macquarie na mamuhunan sa Pilipinas dahil magdudulot ito ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino.
Partikular na tinukoy ng Presidente na malaki ang maitutulong ng kumpanya sa digitalization process hindi lang sa mga negosyante kundi sa pang-araw araw ng transaksyon ng mga tao sa gobyerno.
Ang Macquarie Group Limited ay higit 15 taon nang nag-o-operate sa Pilipinas at mayroong higit 1,000 direct employees sa pamamagitan ng Macquarie Offshore Services.
- Latest