^

Bansa

Mga grupo dismayado sa 'mahinang hatol' vs kapulisan sa Jemboy killing

James Relativo - Philstar.com
Mga grupo dismayado sa 'mahinang hatol' vs kapulisan sa Jemboy killing
Police secure former police officers accused of killing Jemboy Baltazar during the promulgation of the case at the Navotas Regional Trial Court yesterday. At right, Baltazar’s mother, Rhoda, laments the light penalty.
The STAR/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Hindi sapat para sa mga progresibo at human rights advocates ang hatol ng korte sa pagkamatay ng 17-anyos na mangingisda sa kamay ng kapulisan — bagay na pare-parehong nakalusot sa "murder."

Martes nang hatulang guilty sa "homicide" ang isang pulis kaugnay ng pagkamatay ng teenager na si Jemboy Baltazar, na siyang napagkamalan sa operasyon ng Navotas police noong Agosto 2023.

Parurusahan lang din sa "iligal na pagpapaputok ng baril" ang apat pa habang lusot sa anumang sintensya ang isa pa.

"All the cops involved in the murder of the teenage fisherman deserve jail time with no conditional release," wika ni Fernando Hicap, chairperson ng fisherfolk activist group na PAMALAKAYA, ngayong Miyerkules.

"The recent verdict against the police is enraging and must be widely denounced as a clear demonstration of impunity, and the state’s reckless disregard for the lives of ordinary Filipinos."

Napagkamalan aniya ng mga pulis si Baltazar habang naghahabol ng isang murder suspek. Pinaniniwalaan daw noon ng mga otoridad na nagtatago sa bangka ang hinahabol kung kaya't pinaputukan ang isang lalaking tumalon mula rito. Kaso, ito na pala si Jemboy. Nakapatay ang body camera ng kapulisan nang mangyari ito.

Una nang pinatawan ng hanggang anim na taon, apat na buwan at 20 araw na pagkakakulong si PSSg. Gerry Maliban kaugnay ng paglabag diumano sa kasong homicide — isang uri ng pagpatay na hindi sinadya, ginawa para sadyang pahirapan ang biktima, ginawa gamit ang labis na lakas, atbp. Bukod pa ito sa P100,000 danyos.

Makukulong naman ng apat na buwan at isang araw na sina BPEMS. Roberto Balais, PSSg. Nikko Pines Esquilon, PCpl. Edward Jade Blanco, at Pat. Benedict Mangada dahil sa "illegal discharge of firearms."

Inilusot sa asunto si PSSg. Antonio Bugayong matapos magnegatibo sa paraffin test. Lumabas din ang isang testimonyang nagtuturo sa ibang "matabang" suspek.

"While Jemboy’s family are still suffering from their loss and adamant in seeking justice, the perpetrator cops are probably rejoicing at their weak, if not tokenistic, penalties," dagdag ni Hicap.

"This injustice will further embolden authorities to disregard human rights and sanctity of life in every police operation, because of the justice system that allows them to get away."

'Hinayaang malunod matapos paputukan'

Kinundena rin ng grupong Karapatan ang mas magaang parusang ipinataw ng Navotas Regional Trial Court, lalo na't "hinayaan lang nila nakalubog sa tubig" ang katawan ng bata matapos barilin — dahilan para mamatay daw sa pagkalunod at tama ng bala.

Sinasabing nakasakay noon sa bangka si Jemboy kasama ang kaibigan para mangisda.

"This lamentable outcome on Jemboy’s case shows how the Philippine justice system continues to fail the victims of police killings and brutality in the country in pursuing full accountability of perpetrators," sabi ng Karapatan.

"Thousands were killed during Duterte’s drug war, and such killings continue under the Marcos Jr. administration because of the prevalent climate of impunity, with those in uniform and their higher-ups intoxicated with power to commit crimes. As in the case of the killings under the Duterte regime, victims, especially the poor, are still unable to obtain justice."

Suportado ng Karapatan at PAMALAKAYA ang mga panawagan para mabaliktad ang desisyon ng korte bilang pagsuporta sa naulilang pamilya ni Baltazar atbp. biktima ng karahasan ng mga pulis.

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HOMICIDE

HUMAN RIGHTS

JEMBOY BALTAZAR

KARAPATAN

MURDER

NAVOTAS

PAMALAKAYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with