^

Bansa

Paano ginagawa ng PH1WD ang kanilang ‘energy-efficient’ Filipino homes?

Kara Santos - Pilipino Star Ngayon
Paano ginagawa ng PH1WD ang kanilang ‘energy-efficient’ Filipino homes?
Ang single-attached home ay bagay para sa mga pamilya, dahil sa sapat na espasyo at disenyo na comportable at nakakaengganyang tirahan. Gawing memorable ang bawat sandali ng pamilya sa Northscapes.
Photo Release

MANILA, Philippines — Anong mga pwedeng gawin para maging energy-efficent ang isang bahay? Ang pagtitipid ng kuryente ay hindi lang nakakabuti sa kapaligiran, ito rin ay makakatulong sa pag-iipon.

May mga paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng kuryente. Kasama dito ang pagpalit ng LED lights, pag-upgrade sa mga energy-saving na appliances, paggamit ng tamang insulation, at pag-install ng mga solar panels.

Pero para sa mga may balak pa lang bumili ng bahay, pwede rin i-consider ang sustainable homes na meron ng mga built-in energy features.

May isang bagong energy-efficient housing development para sa mga residente ng Cavite. Ipinakilala ng PH1 World Developers (PH1WD) ang pinakabago nilang proyekto sa bayan ng Trece Martires.

Itong proyekto sa Southern Luzon ay ginawa apat na buwan lang pagkatapos ng launch ng Northscapes San Jose del Monte Bulacan, na nakabenta na ng halos 80 percent ng kanilang units noong 2023.

Maraming energy-efficient features ang tampok sa bawat housing unit ng Northscapes.

Solar panels, tinted windows, insulated walls

Ang maluwag na townhouse unit ay bagay sa mga bagong kasal na gustong magtanggap ng mga bisita tulad ng pamilya at kaibigan. 
Photo Release

 

Ayon kay PH1WD Landscapes General Manager Eric Gregor Tan, ang Northscapes community ay gagamit ng eksklusibong teknolohiya ng kumpanya, kabilang ang mga insulated walls at heat resistant-windows. 

Tityakin ng mga SolarSave energy panels na bawat bahay ay pwedeng gumamit ng solar energy para mabawasan ang konsumo ng regular na kuryente.

Ang mga ResiShade tinted windows ay makakatulong para di pumasok ang matinding sikat ng araw, habang ang TropiCool insulated walls naman ay pananatilihing presko ang loob ng bahay, para hindi kailangan parating gamitin ang aircon.

Dahil sa mga energy-saving features, pwedeng itong magresulta sa P45,000 na ipon bawat taon para sa residente, ayon sa mga opisyal. 

Solar-powered streetlights, e-shuttles, underground wirings

Paliwanag ni Tan, ang energy efficiency ay mararamdaman din sa buong development sa pamamagitan ng solar-powered streetlights at mga e-shuttle services. 

Magkakaroon ng electric shuttle para sa mga residente upang mas madaling ma-access ang mga lugar sa lungsod, tulad ng istasyon ng MRT-7, malls, at iba pang commercial areas. 

Para mas maganda tingnan ang paligid at maiwasan ang mga overhead wirings, lahat ng utilities ay ilalagay din sa ilalim ng lupa.

‘Extraordinary kind of living'

Mag-enjoy sa komportableng at konektadong pamumuhay sa isang townhouse na mahusay ang pagkadisensyo ng espasyo katulad ng mga single-attached homes
Photo Release

Positibo ang PH1WD na magiging matagumpay ang Northscapes sa Cavite, batay sa mataas na interest sa unang projekto nila sa Bulacan.

“Just like Northscapes, our latest offering in Trece Martires is envisioned to offer an extraordinary kind of living. We aim to set the bar high in terms of innovation in horizontal developments” sabi ni Tan.

Katulad ng proyekto nila sa Bulacan, ang mga unit sa Cavite ay single-attached na Elia, end-unit townhouse na Salana, at middle-unit townhouse na Alba. Lahat ng units ay may dalawang palapag at may dalawa o tatlong kwarto.

Mayroong 337 units sa Bulacan na may tinatayang halaga na P1.9 bilyon. Ayon kay Tan, ang Trece Martires site naman ay may 343 units worth P1.8 bilyon. Ito ay itatayo sa isang 5-hectare lot, na posibleng mag expand sa 30 hectares.

‘Higher quality residences’

Itong bagong proyekto ay malugod na tinanggap ng mga residente ng Cavite, kabilang ang mga lokal na opisyal mula sa Trece Martires sa pangunguna ni Vice Mayor Bobby Montehermoso. Habang ginanap ang groundbreaking ceremony, may mga potensyal na homeowners na nagpahayag na ng kanilang interes na maging unang residente sa Northscapes.

“Many people loved what we did with Northscapes, so we’re bringing the same sustainable concepts through our latest project, while addressing the demand for higher-quality residences. It’s a testament to our commitment to provide great living experiences,” sabi ni Tan.

(Mula sa kaliwa) PH1 World Developers Sr. Project Development Officer for Horizontal Developments Trixia Pascaran; PH1 World Developers Design & Construction Head Lester Hari; PH1 World Developers General Manager for Horizontal Developments Eric Gregor Tan, Megawide Chairman and CEO and PH1 World Developers Chairman Edgar Saavedra; Trece Martires, Cavite Vice Mayor Hon. Bobby Montehermoso; Lapidario Barangay Chairman Hon. Remelyn Dilag-Sierra; and Former Lapidario Barangay Chairman Remegio Dilag
Photo Release

‘A wide range of extras’

Ayon sa real estate arm ng Megawide group, layunin nila na “i-disrupt” ang industriya ng real estate at karaniwang paraan ng construction gamit ang “innovation and engineering technology” sa kanilang mga proyekto.

“On top of the energy-efficiency features, unit owners can expect higher quality, consistency, and durability since Megawide will be undertaking design and build for the project. Through our parent company’s innovative technologies, we herald developments that provide a wide range of extras: extra space, extra convenience, and extra value,” sabi ni PH1WD President Gigi Alcantara.

Sa susunod na dalawang taon, ang proyektong ito ay tututok sa Bulacan at Cavite, at posibleng mag-expand sa Batangas. Naghahanap din ang PH1WD ng bang proyekto sa Visayas, partikular nasa Cebu at Iloilo.

 

TRECE MARTIRES CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with