Senate subpoena kay Quiboloy, naisilbi na
MANILA, Philippines — Natanggap na ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sect leader Apollo Quiboloy ang subpoena sa Senado nitong Huwebes.
Iniulat ng opisina ni Sen. Risa Hontiveros na natanggap ang subpoena ni KJC legal counsel Marie Dinah Tolentino Fuentes para kay Quiboloy.
Nauna rito, inutusan ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na pinamumunuan ni Hontiveros si Quiboloy na humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Martes, Marso 5.
Nauna nang sinabi ni Hontiveros na kung mabigo si Quiboloy na dumalo sa pagdinig, papatawan niya ito ng contempt at ipaaaresto.
Kasunod nito, naglabas si Quiboloy ng 36-minutong voice message sa YouTube noong Miyerkules, na tinawag ang mga pagdinig na isang agenda para “i-demonize ako at sirain ang aking reputasyon.”
Sinabi rin ni Quiboloy na may planong ipapatay siya.
Itinanggi rin ni Quiboloy na may ni-rape siyang mga dating miyembro ng kanilang grupo.
- Latest