^

Bansa

Kakulangan sa nurse tutugunan – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kakulangan sa nurse tutugunan – Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. inspects the Airport to New Clark City Access Road (ANAR) on February 21, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na sa pribadong sektor ang pamahalaan para matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Ito ay matapos maki­pagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Health Sector Group.

Ayon kay PSAC Health Sector Lead Paolo Borromeo, President and CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc., na sa ilalim ng Clinical Care Associates Program para sa underboard nursing graduates, nasa higit 300 na ang na-hire sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Para matulungan ang mga CCA na ma­ging ­nurses, naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng P20 million para sa board reviews ng 1,000 Clinical Care Associates (CCAs) para ngayong taon.

Ayon kay Borromeo, magpapatuloy ang CCA recruitment para sa November 2024 nursing board examination, at gagawin rin ito para sa 2025 board exams.

Habang ang Enhanced Master’s Nursing Program sa halip na tatlong taon ay mas pinaiksi ito ng CHED ng isang taon na lamang para makapagturo ang mga graduate nito.

Ang Enhanced Master’s Nursing Program naman, imbes na 3 taon ay pinaiksi ng CHED sa isang taon na lang para makapagturo agad ang mga gradute nito.

Sa bilateral labor agreements sa ibang bansa, mayroon nang naselyuhang kasunduan sa Austrian government para sa  scholarships, faculty support, at adopt-a-school/hospital scheme.

PSAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with