^

Bansa

DepEd: Private schools ‘di obligadong magpalit ng school calendar

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd: Private schools ‘di obligadong magpalit ng school calendar
Nilinaw ito ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas matapos ianunsiyo kamakailan na unti-unti na nilang ibabalik ang lumang school calendar na mula Hunyo hanggang Marso at summer vacation na Abril at Mayo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi obligado ang mga pribadong paaralan na magpalit ng school calendars.

Nilinaw ito ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas matapos ianunsiyo kamakailan na unti-unti na nilang ibabalik ang lumang school calendar na mula Hunyo hanggang Marso at summer vacation na Abril at Mayo.

Sinabi ni Bringas na may ilang pribadong paaralan na ang nagbukas ng klase noong Hunyo at Hulyo, 2023 para sa SY-2023-2024.

Mayroon din naman aniyang nagbukas ng school year noong Agosto, kasabay ng pagbubukas ng klase ng mga pampublikong paaralan.

Paliwanag ni ­Bringas, “‘Yung mga private schools na sumabay sa public schools na nag-open ng August, hindi naman sila mandatory na mag-adjust ng kanilang school calendars.” “They still have the option to maintain their approved calendar or adjust accordingly.”

Noong Pebrero 19, inilabas ang DepEd order na nagtatakda ng end of school year sa Mayo 31, 2024. Nakasaad rin ang school break ngayong taon ay magsisimula ng Hunyo 1 at magtatapos ng Hulyo 29, 2024.

Ang SY 2024-2025 naman ay magbubukas sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Mayo 16, 2025.

FRANCIS BRINGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with