^

Bansa

Smuggled sibuyas ibinebenta ng mura sa online

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Talamak ang bentahan sa online ng mga smuggled na sibuyas na mas mababa kaysa sa mga lokal na produkto.

Ito ang naalarmang inihayag ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na kaya hinikayat niya ang Department of Agriculture (DA) na suportahan ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas upang tumaas ang kita ng mga ito at mapababa ang presyo ng naturang produkto.

Ayon kay Lee, ang itinitindang P25 kada kilong sibuyas online ay isa sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang farm gate price ng lokal na sibuyas.

“Hindi po natin masisisi ang ating mga kababayan kung tangkilikin nila ang mga di hamak mas murang produkto na nabibili online, kasama na itong sibuyas. Sa mahal ng mga bilihin, doon sila sa mas makakamura, at madalas ay isinasantabi na lang ‘yung pwedeng health hazard nito,” ayon kay Lee.

“Sa kabilang banda, kawawa po ang ating mga magsasaka kapag hinayaan lang natin na kumalat o dumami ang mga nagbebenta ng smuggled na sibuyas online dahil ang ending nito, masasayang o mabubulok na naman ang mga lokal na ani,” punto ng solon.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang kasalukuyang farm gate price ay P28 lamang pero ang production cost ng mga magsasaka ay umaabot ng P30 kada kilo.

Ayon kay Lee dapat dagdagan ang suporta sa ating mga lokal na magsasaka, kabilang na ang on time na pagdating ng ayuda, access sa mas murang farm inputs tulad ng fertilizers at pesticides, pati na ang dagdag na post-harvest facilities gaya ng cold storages.

“’Pag nangyari ito, hindi na kailangan umasa sa ilegal at mas murang produkto na nabibili online. Panalo ang magsasaka, panalo ang consu­mers, Winner Tayo Lahat,” dagdag pa ni Lee.

ONION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with