Suporta kay Romualdez bumuhos sa gitna ng atake ng mga senador
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kongresista sa Metro Manila at opisyal ng lokal na pamahalaan sa Surigao del Norte sa gitna ng mga pag-atake ng mga senador.
Ipinagtanggol ng 30 kongresista mula sa 14 na siyudad ng Metro Manila si Speaker Romualdez laban sa walang basehan alegasyon ng mga senador kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon na naglalayong paramihan ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Isang “Statement of Solidarity” ang kanilang nilagdaan upang igiit din ang kahalagahan na itaguyod ang karapatang nakasaad sa Konstitusyon.
“Let it be said, here and now, that we the undersigned Representatives from the National Capital Region denounce efforts to foment disunity in our nation! We call on all to respect each other’s positions and the voices of our citizens and their inalienable right to be heard,” sabi sa pahayag.
Kinilala rin ng mga kongresista ang mga ginawa ni Speaker Romualdez upang itaguyod ang kapakanan ng bansa at sa pagharap sa mga hamon upang mapangalagaan ang mga Pilipino.
Lumagda sa pahayag sina Caloocan Reps. Oscar Malapitan, Mary Mitzi Cajayon-Uy at Dean Asistio; Makati Reps. Romulo “Kid” Pena Jr. at Luis Campos Jr.; Navotas Rep. Toby Tiangco; Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II; Pasay City Rep. Antonino Calixto; Manila Reps. Ernesto Dionisio Jr., Rep. Rolando Valeriano, Rep. Joel Chua, Edward Vera Perez Maceda, Rep. Irwin Tieng at Rep. Bienvenido Abante.
Gayundin sina Quezon City Reps. Juan Carlos “Arjo” Atayde, Rep. Ralph Wendel Tulfo, Rep. Franz Pumaren, Rep. Marvin Rillo, Patrick Michael “PM” Vargas, at Rep. Ma. Victoria Co-Pilar; Taguig-Pateros Reps. Ricardo Cruz Jr. at Amparo Maria Zamora; San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora; Pasig Rep Roman Romulo; Marikina Reps. Marjorie Anne Teodoro, at Stella Luz Quimbo; Parañaque Reps. Edwin Olivarez at Gus Tambunting at Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi.
Samantala, nagpahayag din ng suporta ang 25 lider ng lokal na pamahalaan kay Romualdez sa pamamagitan ng isang manifesto of support.
Pinangunahan ni dating Gov. Francisco Matugas at Surigao del Norte Rep. Francisco “Bingo” Matugas ang paglagda ng manifesto.
- Latest