^

Bansa

Bidding ng Comelec, kinuwestiyon sa ‘untested prototype’ machine

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni dating Caloocan 1st District Rep. Edgar Erice ang bidding process ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagsusumite ng bidder ng MIRU Systems ng umano’y ‘untested prototype’ machine para isailalim sa ebalwasyon, na umano’y labag sa batas.

Kasabay nito, nagbabala si Erice na kapag pinayagan ng Comelec ang paggamit ng untested prototype machine ay maari silang maka­suhan sa korte dahil maaring malagay sa panganib ang halalan.

Sa huling pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, nagkaroon ng mga katanungan sa bidding process matapos ihayag ng isang resource speaker na nagsumite ang Miru ng prototype machine para sa post-qualification process, na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas.

“This machine is a prototype. It has never been used in any elections. In Congo, they used a DRE machine. In Iraq and in Korea, they used an Optical Mark Reader (OMR) machine. And this combination of OMR and DRE machines has never been tested in any elections,” ayon kay Erice.

Sinabi niya na tila pinag-eeksperimentuhan ng Miru ang Pilipinas na gagawing “Guinea pig” sa naturang makina, habang iginiit na bawal ito sa ilalim ng Republic Act 9363 o ang Election Automation Law of 2007. Isinasaad ng batas na ang gagamiting mga makina ay nakapagpakita na ng kakayahan at tagumpay sa isang halalan sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with