^

Bansa

P100 umento sa arawang sahod, peligroso - ECOP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P100 umento sa arawang sahod, peligroso - ECOP
Hundreds of job seekers flock to the civic center of Lingayen, Pangasinan to apply for jobs during a job fair on January 4, 2024.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Catastrophic o peligroso umano ang panukalang P100 na umento sa sahod at hindi makakabuti sa pangkalahatan.

Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), mali ang mga impormasyong pinagbabasehan ng mga mambabatas na nagtutulak na taasan ng P100 ang arawang sahod.

Paliwanag nito, hindi 52 million kundi 5 million lang ng nasa labor market o nasa 10 porsiyento ang  makikinabang dito habang mas malaking bahagi o 80-90 percent ang hindi magbebenepisyo.

Gaya ng paniniwala ng ibang ­ekonomista, sinabi ni Ortiz-Luis na pansamantala lang din ang umento dahil kapag inabutan ng inflation ay balewala rin.

Ipapasa rin umano ito ng mga negosyante sa consumers kaya mas kawawa lang ang mga nasa informal sector o iyong mga magsasaka, mangingisda at mga tsuper na walang mapaghuhugutan.

Kapag nangyari ito, nasa 47 million ang aasa sa gobyerno sa pamamagitan ng ayuda, idagdag pa ang mga mawawalan ng trabaho.

Hindi rin kakayanin ng ibang kum­panya ang magbigay ng dagdag na sahod lalo’t karamihan ay bumabawi pa mula sa pagkalugi noong pandemya, kaya’t hindi rin makakabuti sa ekonomiya ang ganitong mga hakbang.

 

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with