^

Bansa

Commissioner ng NCSC sinuspinde ng Palasyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Commissioner ng NCSC sinuspinde ng Palasyo
Riverfront Facade of Malacañang Palace as seen from Bahay Pangarap located right across the Pasig River.
Photo courtesy of Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines — Ginawaran ng 90-day preventive suspension ng Office of the President ang isang komisyoner ng National Commission on Senior Citizens (NCSC) dahil sa iba’t ibang reklamo laban sa kaniya ng isang party-list group.

Sa 4-pahinang notice of charge na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, epektibo ang suspensyon kay Comm. Reymar Mansilungan pagkatanggap niya ng kopya ng abiso.

Ang suspensyon ay base sa mga reklamo nina Senior Citizen Party-list Reps. Rodolfo “Ompong” Ordanes at Miguelito M. Garcia kabilang ang serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Lumabas sa preliminary investigation ang hindi umano tamang inilagay na educational attainment ni Mansilungan sa kaniyang aplikasyon bilang komisyuner ng NCSC.

Kasama rin sa reklamo ang umano’y pagbabayad niya sa upa ng isang bahay sa Lucena City na mula umano sa pondo ng gobyerno ng walang resibo at paggamit ng pondo ng ahensya para sa kanyang mga pagkain at maging sa mga alak.

Hindi rin umano niya itinalaga si Irene Dumlao bilang executive director ng NCSC sa kabila ng nominasyon ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginamit din daw ni Mansilungan ang “resources” ng NCSC sa kanyang mga pribadong mga aktibidad, pagbibigay ng mid-year bonuses sa contract of service personnel na paglabag sa polisiya ng Department of Budget and Management at Commission on Audit.

Binigyan si Mansilungan ng 10 araw upang magsumite ng kanyang paliwanag at mga ebidensiya, bukod pa sa testimonya ng kanyang mga testigo.

NATIONAL COMMISSION ON SENIOR CITIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with