^

Bansa

‘Di awtorisadong paggamit ng pangalan at logo ng CSC, binalaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang pamunuan ng Civil Service Commission (CSC) laban sa mga indibidwal at grupo sa hindi awtorisadong paggamit ng pangalan at logo ng ahensya dahilan sa maari silang maharap sa kaso at makulong.

Nabatid sa CSC na walang indibidwal o entity ang binigyan ng pahintulot na gamitin ang pangalan at logo nito, kabilang ang lumang CSC emblem, para sa anumang aktibidad o online na promosyon, kabilang ngunit hindi limitado sa solicitation, recruitment, produksyon ng mga mater­yales, at enrollment para sa review classes.

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles na ang hindi awtorisadong paggamit ng logo ng CSC ng mga indibidwal o entity nang walang nakasulat na pahintulot, pag-eendorso, o pag-apruba ng CSC ay nagsasagawa ng mga mapanlinlang na gawain at dapat kaharapin ang kaukulang parusa na naaayon sa batas.

Binigyang-diin pa ni Nograles sa publiko na isang opisyal na account lamang ang pinananatili ng Komi­syon sa Facebook, Instagram, YouTube, at TikTok, at bawat CSC Regional Office ay nagtataglay lamang ng isang opisyal na Facebook page.

Nabatid na may mga ulat din ng mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal at emple­yado ng CSC sa panggigipit sa mga empleyado ng iba pang ahensya ng gobyerno upang pilitin silang magbayad ng ilang mga pautang at obligasyon mula sa mga indibidwal o institusyong nagpapautang.

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with