^

Bansa

LRT-2, MRT-3 may pa-'hugot contest,' harana at tsokolate ngayong Valentine's

James Relativo - Philstar.com
LRT-2, MRT-3 may pa-'hugot contest,' harana at tsokolate ngayong Valentine's
Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) riders, including senior citizens, received candy flowers and stuffed animals from train officials at Antipolo Station on Valentine's Day.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kanya-kanyang gimmick ngayon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga mananakay ngayong Araw ng mga Puso — kabilang na riyan ang mga papremyo.

Bukod sa mga nakagawian nang "love trains" tuwing Valentine's Day, nariyan din ang ilang pakulo gaya ng pagandahan ng "hugot lines," pagandahan ng kwentong pag-ibig at photography contest.

"Sinimulan nang basahin ng mga Train Operator ng LRT-2 ang mga entry sa #TRAINding Hugot Lines Valentines Contest ngayong araw, February 14," sabi ng pamunuan ng LRT-2, Miyerkules.

"Maaari pang magpadala ng entry sa #TRAINding Hugot Lines Valentines Contest hanggang mamayang 11:59 p.m."

 

 

Una nang sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang nagpapatakbo sa LRT-2, na bibigyan ng "two-week unlimited ride" sa linya ang magwawagi rito. Maaaring magpadala ng entry rito.

May kahalintulad ring mga contest ang MRT-3. Ang una ay ang "Emotero at Emotera sa Love Train" contest, kung saan ineengganyong mag-selfie o picture habang sakay ng MRT-3 love train — bagay na una nang dinekurasyunan ng hardin at hugot lines.

 

 

Nariyan din ang "Kwentong Feb-ibig sa MRT-3," kung saan hinihikayat ang commuters magkomento ng pinakanakakakilig at interesante nilang mga kwento.

Makakukuha ng gift certificates na nagkakahalagang P1,000, P2,000 at P3,000 ang mga mapipiling entries sa parehong patimpalak.

Concert, tsokolate at 'bulaklak'

Samantala, nagkaroon naman ng animo'y live concert sa LRT-2 Antipolo station ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at LRT-2 — bukod pa sa libreng photo booth.

 

 

Nakaiskor din ng mga candy flowers at stuffed toys sa linya ang mga mananakay at mga senior citizens mula sa mga opisyales ng tren.

May kahalintulad ding handog ang MRT-3 sa pagkasa ng kanilang "AYALABYU SA AYALA: An MRT-3 Valentine's Day Special" bandang 4:30 p.m.

"Handa na kaming mamigay ng mga regalo para sa mga single, taken, pinaasa at patuloy na umaasa!" sabi ng Department of Transportation (DOTr) MRT-3 sa isang paskil.

 

 

Sinasabing dadalo rin sa programa sa Ayala ang mga mananalo sa "Kwentong Feb-ibig sa MRT-3" para tanggapin ang kanilang mga papremyo.

Pinangunahan din ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang pamimigay ng mga bulaklak at tsokolate sa mga pasaherong dumaraan sa North Avenue Station kaninang 3:30 p.m.

Samantala, nakatanggap naman ng mga regalo at grocery packs mula sa pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) ang ilang pasahero at empleyado ng tren. 

 

 

Patok din ang selfie spot at "Love Booth" sa PNR Tutuban Station kaugnay ng selebrasyon.

Wala namang balita kung nagsasagawa sa ngayon ng kahalintulad na mga pakulo ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

FLOWERS

LRT-2

MRT-3

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

TRAIN

VALENTINE'S DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with