^

Bansa

Patay sa Davao de Oro landslide lumobo sa 68

James Relativo - Philstar.com
Patay sa Davao de Oro landslide lumobo sa 68
This screengrab from UGC video footage taken on February 9, 2024 and posted by Facebook user Illu Mi shows rescue and emergency personnel carrying a girl found after a nearly 60 hours rescue operation following a landslide that hit a gold-mining village in Maco, Davao de Oro, in southern Philippines. The rescue has been hailed as a "miracle" after searchers had given up hope of finding more survivors. The girl, who the Philippine Red Cross said was three years old, had been among the more than 100 people missing after the rain-induced landslide hit the village, killing at least 15 people.
Facebook user Illu Mi / AFP

MANILA, Philippines — Patuloy sa pag-akyat ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng lupa malapit sa Apex Mining Co. sa Mindanao, ito habang lumiliit ang pag-aasa ang rescuers na makasagip pa ng nasalanta.

Umabot na kasi sa 68 ang natatagpuang patay bunsod ng landslide sa barangay Masara, Maco, Davao de Oro noong ika-6 ng Pebrero.

"It is almost a week after the incident and... we are assuming that no one is alive there," ani Edward Macapili, tagapagsalita ng Davao de Oro provincial disaster office, nitong Lunes."

"There is already a foul smell in the area now so there's a need to fast-track the retrieval."

Una nang naibalitang natabunan ng lupa ang tatlong bus at jeepney na naghihintay sa mga empleyado ng Apex, isang minahan ng ginto, malipan pa sa 55 kalapit na bahay. Umabot naman na sa 32 ang sugatan sa ngayon.

Nananatiling nasa 50 metro (164 talampakan) lalim pa ang hindi nagagalugad ng search and rescue teams sa ngayon, ayon kay Macapili.

Una nang sinabi ng Apex Mining na nakaranas ng dalawang linggong malalakas na pag-ulan ang probinsya ng Davao de Oro bago ang insidente.

Giit ngayon ng ilang manggagawang maimbestigahan ang kumpanya pagdating sa kanilang pananagutan sa laki ng bilang ng mga namatay sa insidente.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes, umabot na sa 22 ang namamatay kaugnay ng Hanging Amihan at trough ng low pressure area sa Davao Region.

Kaugnay nito, P212.54 milyong halagang pinsala na ang naitatala sa sektor ng agrikultura ng CARAGA at BARMM, bukod pa sa P738.619 nasira sa imprastruktura sa:

  • Region 10
  • Region 11
  • CARAGA

Bilang tugon, namahagi naman na ng P179.46 milyong halaga ng ayuda ang naipapamahagi sa mga taga-Davao at CARAGA sa porma ng family food packs, hygiene kits atbp. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

CASUALTIES

DAVAO DE ORO

LANDSLIDE

MACO

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with