^

Bansa

Death toll sa Davao landslide, 28 na

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa Davao landslide, 28 na
Rescuers are still struggling to pull out people inside vehicles covered by mud and rocks that cascaded from a hill in Barangay Masara in Maco, Davao de Oro on February 6, 2024.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro kung saan pumalo na ito sa 28.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Maco Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, bukod sa 28 nasawi umakyat na rin sa 32 ang bilang ng mga nasugatang indibidwal, habang nasa 89 katao ang napaulat na nawawala.

Biyernes nang himalang nahukay nang buhay ang isang 3-anyos na batang babae matapos ang dalawang araw na pagkakabaon sa gumuhong lupa sa naturang lugar.

Dahil dito ay mas pinalawig pa ng Maco MDRRMO ang kanilang search and rescue operations sa pag-asang may maisasagip pa silang mas maraming buhay mula sa nangyaring trahedya.

Ayon naman kay PDRRM head Joseph Randy Loy, patuloy ang kanilang gagawing manu-manong paghuhukay sa pag-asang may mga buhay pang indibiduwal at upang agad na madala sa ospital.

Subalit ayon kay Loy, nakadepende pa rin ang pag-asang makita ang mga biktima sa lugar bunsod na rin ng kakulangan ng oxygen.

Samantala, nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga taong napaulat na naghahanap ng ginto sa gumuhong lupa sa Maco, Davao de Oro na huwag munang sumabay sa search, rescue and retrieval operations.

Binigyan diin ni OCD spokesperson Edgar Posadas, na mas importante ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal kaysa sa paghahanap ng ginto.

Sinabi ni Posadas, na oras ang kanilang hinahabol para sa survivors at kung may marekober man silang bangkay ay maibalik agad ito sa pamilya ng biktima.

Una nang napaulat na dumagsa ang mga tao sa kalapit na ilog nang mabalitaan na may mga naanod na ginto mula sa bukid.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with