^

Bansa

Color game, iba pang sugal sa perya ipagbawal para walang kotong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Color game, iba pang sugal sa perya ipagbawal para walang kotong
Senator Raffy Tulfo
Senate of the Philippines

MANILA, Philippines — Upang hindi makoto­ngan ng mga pulis, imi­nungkahi ni Sen. Raffy Tulfo na ipagbawal na ang color game at iba pang uri ng sugal sa mga peryahan.

Sa pagdinig sa Senado, kaugnay sa nararanasang panggigipit ng mga perya workers, sinabi ni Tulfo na kaya kinokotongan ang mga peryahan ay dahil marami silang iligal na gawain, partikular ang sugal na color game.

“Kayong mga nasa peryahan, kaya kayo kinokotongan gumawa din kayo ng iligal. Kasi kung legal kayo, kung patas kayo, di kayo kokotongan ng mga pulis,” ani Tulfo.

Sabi pa ng senador, may mga video pa siya kung saan kahit ang mga bata ay tumataya sa color game.

“Kung ako ang tatanungin, dapat wala ng sugal,” diin pa niya.

Ayon pa kay Tulfo, da­dagsain pa rin naman ang mga peryahan dahil sa iba’t ibang palabas katulad ng mga nagta-tumbling, kumakain ng bote o sword, mga tao ng mukhang kabayo, target shooting ng mga bote at iba pa.

Sa Senate Resolution No. 921, ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dapat magkaroon ng batas na titiyak na mabibigyan ng proteksiyon ang karapatan at dignidad ng mga perya workers.

Isang sulat ang natanggap ni dela Rosa mula sa Perya Industry of the Philippines Association (PIPA), Inc. na nanawagan ng tulong at suporta para maging legal ang perya industry.

CASINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with