^

Bansa

Presidential appointees ‘kikilatisin’ uli kung kuwalipikado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presidential appointees ‘kikilatisin’ uli kung kuwalipikado
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat presidential appointees na naitalaga bago ang Pebrero 1, 2024 na magsumite ng updated Personal Data Sheet (PDS) at clearances mula sa Civil Service Commission (Csc), National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ito ay bahagi ng performance review at para masiguro na nananatiling kwalipikado sa trabaho ang mga appointee at walang mga kaso

Nakasaad sa memorandum, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin  na inaatasan ang lahat ng heads ng department, agencies, offices and instrumentalities kasama na ang government-owned or controlled corporations, government financial institutions at state universities and colleges na magsumite ng updated documentary requirements ang lahat ng presidential appointees.

Ipinasusumite rin ang mga requirements sa Presidential Management Staff (PMS) sa loob ng 30 araw matapos ipalabas ang memorandum.

Ang kautusan ay inilabas nitong Pebrero 2.

Samantala pinabulaanan naman ni Garafil na may napi­pintong sibakan sa mga presidential appointee ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

PRESIDENTIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with