Tulfo, ex-president Duterte lyamado sa 2025 senatorial survey
MANILA, Philippines — Nangunguna sa ngayon ang dating broadcaster na si Rep. Erwin Tulfo (ACT-CIS party-list) at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napipisil ng mga Pinoy sa pagkasenador sa halalan 2025.
Ganito ang lumabas na resulta sa kalalabas lang na "WR Numero Philippine Public Opinion Monitor Issue 1, Volume," na isinapubliko nitong Martes.
"In its inaugural Philippine Public Opinion Monitor (The Opinion Monitor), WR Numero found that nearly 60% of Filipinos would vote for Tulfo if the 2025 midterm elections were held last December 2023," wika ng WR Numero kahapon sa isang press release.
"Former president Rodrigo Duterte and former senate president Vicente 'Tito' Sotto III ranked second and third at 54% and 45%, respectively. They were followed by Senators Imee Marcos (41%), and Ronald 'Bato' Dela Rosa (40%), who were tied at the fourth and fifth place."
Narito ang lumabas na ranggo ng mga sumusunod na personalidad sa naturang survey matapos bigyan ng listahan ang nasa 1,457 Pilipino para makapamili ng 12 kandidato:
- Erwin Tulfo: 60%
- Rodrigo Duterte: 54%
- Vicente "Tito" Sotto III: 45%
- Imee Marcos: 41%
- Ronald "Bato" dela Rosa: 40%
- Ramon "Bong" Revilla Jr.: 35%
- Pia Cayetano: 35%
- Manny Pacquiao: 34%
- Christopher "Bong" Go: 33%
- Panfilo "Ping" Lacson: 30%
- Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte: 27%
- Francisco "Kiko" Pangilinan: 26%
- dating bise presidente Leni Robredo: 24%
- Willie Ong: 24%
- Willie Revillame: 23%
- Lito Lapid: 23%
- Makati Mayor Abigal "Abby" Binay: 23%
"Tulfo emerged as the top choice of voters identifying as opposition supporters (53%), independent (69%), and unsure (63%). He, however, placed second to former president Duterte who was the preferred senatorial candidate of administration supporters at 56%," patuloy ng WR Numero.
"Former president Duterte is the top choice of administration supporters at 56%, followed by Tulfo (53%) and Marcos (50%)."
Si Tulfo rin ang lumalabas na preferred candidate ng first time voters (65%) at "likely voters" (58%), habang nangunguna naman si Digong sa mga registered ngunit "non-participating voters" (69%) at hindi rehistrado (60%).
Duterte no. 1 sa OFW families
Dinomina ni Duterte ang survey sa mga pamilyang nakatatanggap ng remittance mula sa overseas Filipino workers (62%) habang nangunguna naman si Tulfoo sa non-OFW-remittance receiving households (60%).
Si Tulfo ang trip sa ngayon ng mga nasa Class D (60%) at Class E (61%). Gayunpaman, pangpito lang siya para sa mga nasa Class ABC (34%). Preferred naman si Duterte ng mga nasa Class ABC (66%), bagay na sinundan nina Marcos (66%) at Pacquiao (41%).
"Moreover, Tulfo led the voters across all age groups: 30 years old and below (61%), 31 to 59 years old (58%), and 60 years old and above (61%); as well as male (57%) and female (62%) voters," patuloy ng research group.
"He was also the preferred candidate of voters in both rural (57%) and urban (63%) and of voters in most regions: Metro Manila (62%), Rest of Luzon (55%), and Visayas (66%). He ranked second in Mindanao where Duterte was the top choice at 66%."
Si Tulfo rin ang top choice ng mga heterosexual (60%) habang mas gusto ng mga nasa LGBTQIA+ si Robredo (52%). Si Sotto naman ang gusto ng mga ayaw magbahagi ng kanilang kasarian.
Sa kabilang banda, si dating Sen. Leila de Lima ang napili ng respondents nang matanong kung sino ang "siguradong hindi nila boboto sa 2025." Sinundan siya nina dating Sen. Antonio Trillanes (17%) at Robredo (12%).
Ika-24 ng Nobyembre hanggang ika-24 ng Disyembre 2023 nang ikasa ang harapang survey, bagay na may ± 3% error margin sa 99% confidence level. Sa sub-national level, pumapatak ang error margin sa ± 9% para sa National Capital Region, ± 5% para sa nalalabing parte ng Luzon, ± 8% para sa Visayas, and ± 7% for Mindanao at a similar 99% confidence level.
Paliwanag ng WR Numero, walang indibidwal, entity, o sinumang partisano ang nagkomisyon ng survey.
Nangayayari ito habang binabanatan ngayon ni Digong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang "adik" at "bangag," kahit na runningmate ni Marcos si Bise Presidente Sara Duterte noong 2022 national elections.
- Latest