^

Bansa

Hamon ng mga Duterte na magbitiw si Marcos, 'self-serving' – labor leader

Philstar.com
Hamon ng mga Duterte na magbitiw si Marcos, 'self-serving' – labor leader
This combination photo shows former President Rodrigo Duterte and his successor Ferdinand Marcos Jr.
Presidential Communications / Toto Lozano | Bongbong Marcos / Release

MANILA, Philippines – Binanatan ng isang labor leader at dating presidential candidate ang pamilya Duterte matapos ang kanilang panawagan na pagbitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang Facebook post, pinuna ni Ka Leody De Guzman ang inasta ng mga Duterte.

Naiulat na sa isang rally noong Linggo, nanawagan si Davao Mayor Baste Duterte kay Marcos na magbitiw na bilang pangulo.

Subalit ayon kay ni Ka Leody, na dating kandidato sa pagka-Pangulo noong halalan sa 2022, “self-serving” at “naked display of self-interest” umano ang mga tirada nina Mayor Baste at dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Marcos.

Hindi umano’y pagmamahal sa bayan ang pinagmulan ng mga Duterte sa kanilang tirade kay Marcos, kundi ang kanilang kagustuhan na iakyat agad sa pagkapangulo si Vice President Sara Duterte, dagdag ni De Guzman. 

Inakusahan ni Ka Leody ang mga Duterte na umaasa sila sa constitutional succession para maitalagang Pangulo si VP Sara kaya’t gusto nilang patalsikin si Marcos. 

Sinabi rin ni Ka Leody ang mga Duterte na huwag masyadong mayabang at huwag ipilit sa suwerte ang kanilang kahilingan. Ito ay matapos niyang ipaalala ang pagbasak ni dating Vice President Jejomar Binay sa surveys kahit pa siya ang nangunguna sa mga paunang survey bago ang halalan sa 2016.

DUTERTE

LEODY DE GUZMAN

MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with