^

Bansa

Baste Duterte pinagbibitiw si Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Baste Duterte pinagbibitiw si Pangulong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. leads the ceremonial switch-on of the Php 51.3 Billion Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) in Malacañang on January 26, 2023.
KJ Rosales/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinagbibitiw ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.

“Mr. President kung wala kang pag-ibig at aspirations sa iyong bansa, resign,” mariing hamon ni Baste sa “Hakbang ng Maisug Lea­ders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28.

Dismayado si Baste sa mga problema sa insureksiyon at droga sa kanilang rehiyon sa Davao.

Ikinumpara rin niya ang dating pamamahala ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang administrasyon sa bansa.

Nitong linggo ay nagdaos ng anti-people’s initiative rally ang mga Duterte sa Davao City kung saan ginawa ni Baste ang hamon sa Pangulo.

Una nang sinabi ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na “Davao City is not for sale‘ sa isyu ng PI na kinatigan ni VP Duterte at ng kanilang amang si Digong.

SEBASTIAN “BASTE” DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with