^

Bansa

House: Walang ‘constitutional crisis’ sa PI

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magkakaroon ng “constitutional crisis” sa isinusulong na People’s Initiative (PI) na pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Kami sa Lower House tapos na ang assignment. Wala kaming back subjects kaya wala ring constitutional crisis,” ani Barbers.

“Mabuti mag-usap na lang kami ng mahinahon hindi kung anu-anong multo ang nakikita ng mga senador. Wala namang term extension na issue, economic lamang talaga,” dagdag ni Barbers.

Nauna rito, nagpadala ng liham si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri upang ipahayag ang kahandaan ng Kamara na suportahan ang inihain nitong Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Gayunman sa na­ging tu­gon ni Zubiri, nagbabala ito ng posibleng constitutional crisis dahil sa pagsusulong umano ng Kamara ng PI.

“Nakakalungkot ang pahayag ni Senate­ President Zubiri na naisip kaagad ang constitutional crisis sa halip na yaka­pin ang pakikipagkaisa na inaalok ni Speaker Romualdez sa pagpasa ng RBH No. 6 ng Senado,” ani House Majo­rity Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe.

Sinabi naman ni Ca­marines Sur Rep. Lray Villafuerte na dapat irespeto ng mga senador ang mga nagsusulong ng PI at sundin ang magiging desisyon ng mga Pilipino na siyang boboto kung sila ay pabor o hindi sa gagawing pagbabago sa Saligang Batas.

ROBERT ACE BARBERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with