^

Bansa

BrahMos missiles ng Pinas, parating na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ihahatid ng India ang BrahMos cruise missiles sa Pilipinas sa lalong madaling panahon na bahagi ng purchase agreement na nilagdaan noong 2022, ayon sa ambassador ng India sa Pilipinas.

Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Sham­bhu Kumara, wala silang timelime sa ngayon pero pipilitin nilang madala kaagad sa Pilipinas ang BrahMos missiles.

“We are working towards the earliest possible arrival; I don’t have a timeline at this moment, but it’s going to be soon,” anang ambassador.

Noong Enero 2022, ang administrasyong Duterte, sa pamamagitan ng noo’y Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay pumirma ng kontrata para sa pagkuha ng shore-based anti-ship missile system na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon.

Inihayag ni Lorenzana na ang BrahMos missiles ang pipigil sa anumang pagtatangka na pahinain ang soberanya ng bansa lalo na sa West Philippine Sea.’’

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Republic Day ng India, inulit ni Kumara ang suporta ng kanyang bansa para sa Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea.

vuukle comment

BRAHMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with