^

Bansa

AFP at military allies, magsasagawa ng mas maraming aktibidad sa West Philippines Sea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mas marami pa silang gagawing aktibidad sa West Philippine Sea kasama ang mga military allies.

Ang paniniyak ay ginawa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na layong paghusayin pa ang defense partnerships at interoperability ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa.

Ani Teodoro, sa ngayon may ilang allied countries na ang nagpahayag ng kanilang interes na palakasin ang military partnership sa Pilipinas kabilang na ang United Kingdom at Canada.

Bukod sa UK at Canada, ilang bansa pa ang nagpahayag ng kanilang interes na palakasin ang mutual defense cooperation tulad ng Japan.

Paliwanag pa nito, ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas ay naaayon sa United Nations Convention on the Law of Sea at desisyon ng UN Tribunal na pilit na pinapawalang bisa ng China.

AFP

GILBERTO TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with