^

Bansa

'Pera sa basura': Gold coin nakalkal sa QC, naibenta nang P100,000

James Relativo - Philstar.com
'Pera sa basura': Gold coin nakalkal sa QC, naibenta nang P100,000
Litrato ni "Gemma" at ng napulot na South African gold coin na kung tawagin ay "Krugerrand."
Video grab mula sa Youtube channel na Boss Toyo Production

MANILA, Philippines — Isang babaeng mangangalakal ang swerteng nakapulot ng gold at silver coins sa isang basurahan sa Quezon City. Ang hindi niya alam, limpak-limpak na salapi ang halaga ng mga ito.

Sa bagong episode ng "Pinoy Pawnstars" na inilabas ngayong Biyernes ng Youtube channel na Boss Toyo Production, humarap ang mangangalakal na si "Gemma" para subukang ibenta ang mga baryang galing South Africa at Austria.

"Nangangalkal po ako rito sa 1st Camarilla. Kinakalkal ko po roon sa basura. Hindi ko po ine-expect kung ano 'yun," wika ni Gemma.

"Akala ko po candy lang po 'yun eh."

 

 

Plano sana ng babaeng ibenta ang mga naturang coins sa halagang P5,000 para makapagsimula ng maliit na negosyo. Lingid sa kanyang kaalaman, mas malaki ang halaga nito nang mahigit 20 beses.

'Gold Krugerrand' mula sa basura

Ayon kay si Angelo Bernardo, isang espesyalista sa coins (numismatist) at antique shop owner, totoong silver at gold coins mula South Africa ang mga nabanggit.

"Ito ay isang Krugerrand. South African na gold coin. Sinimulang gawin yung mga Krugerrand noong mga 1950s. Ginawa siya ng South Africa para i-promote niya ang kanyang gold at tska 'yung kanyang gold mint," paliwanag ni Bernardo.

"Common na gold coin ito. Pang-investment ito. Ibig sabihin, kung ikaw, imbis na magtabi ka ng pera sa bangko pwede kang mag-invest sa gold."

"Halos walang collectible value ito... Sinusunod lang niya 'yung gold prices."

Pagtataya ni Bernardo, nasa P100,000 hanggang P110,000 ang 33.5 gramong gold coin.

Tinukoy naman bilang Austrian Theresa Thalers ang hawak na silver coins ni Gemma, bagay na kasalukuyan pa ring ginagawa sa ngayon bilang souvenir o commemorative coin. Prinesyuhan ito ng P1,000 hanggang P1,500.

Hindi na tinawaran ni "Boss Toyo" ang naturang gold coin at binili ang ginto sa halagang P100,000, bagay na ikinatuwa ni Gemma.

Matatandaang nag-viral kamakailan si Boss Toyo matapos bilhin ang jersey ng yumaong Francis Magalona sa halagang P500,000 mula sa diumano'y dating nakarelasyon ng "master rapper.

ANTIQUE

COIN

GOLD

INVESTMENT

PAWN SHOP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with