^

Bansa

Media workers nabahala sa balitang pagsasara ng CNN Philippines

James Relativo - Philstar.com
Media workers nabahala sa balitang pagsasara ng CNN Philippines
Logo ng CNN Philippines
Mula sa Facebook page ng CNN Philippines

MANILA, Philippines — Nababahala ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa kahihinatnan ng mga empleyado ng CNN Philippines matapos maiulat ang "kawalan ng komunikasyon" ng kumpanya tungkol sa tanggalan ng empleyado.

Biyernes lang kasi nang kumpirmahin ng Nine Media Corporation — na siyang nagmamay-ari sa CNN Philippines — na kasado na ang tigil-operasyon ng naturang free-to-air news channel dulot ng "financial losses."

"As reports emerge of a looming shutdown of operations and attendant layoffs at CNN Philippines, we note that network management has yet to talk to its media workers about their future," wika ng NUJP sa isang pahayag.

"As is common in these situations, those who produce the content and whose lives stand to be most affected by corporate decisions seem to be the last to know about them."

 

 

Huwebes lang nang i-break ng Media Newser Philippines ang napipintong pagsasara ng CNN Philippines matapos ang siyam na taong pag-ere. Aniya, nagkasundo na raw ang Nine Media Corp. and CNN na hindi ituloy ang kanilang licensing agreement dahil sa kahirapan sa ad placement.

https://medianewser.ph/cnn-philippines-is-shutting-down-after-9-years/

Ugong-ugong sa ngayon ang severance packages para sa mga maaapektuhang empleyado, bagay na sana'y maibigay raw oras na ianunsyo ang mga layoffs sabi ng grupo.

"The apparent lack of communication between management and staff over the coming changes highlights the need for workplace organizing to, at minimum, ensure that employees are kept abreast of corporate developments that will affect them," dagdag ng NUJP.

"More than passion and dedication to the profession, media workers need clear lines of communication with newsroom leaders as well as a say in matters that affect their careers and their daily lives."

"It is cruel to have to find out about your company's potential plans from news reports and from gossip instead of from leadership that expects media workers to be on call and updated on issues of the day but are silent on pressing workplace issues."

'Ide-delay termination of license'

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Nine Media chairperson D. Edgard Cabangon na balak nilang dahan-dahanin ang termination ng licensing deal sa CNN International "alang-alang sa kanilang mga manggagawa."

"We delayed the closure/termination of the franchise [deal with] CNN International because of our love for our employees," ani Cabangon.

"Please wait for the official statement of our president Mr. Benjie Ramos this coming Monday. Thank you."

Kinumpirma rin ni Cabangon na noong 2023 pa pinaplano ang pagsasara ng CNN Philippines dahil sa problema sa pera.

Sinubukan din ng Philstar.com na kontakin si Cabangon ngunit hindi pa rin siya tumutugon sa ngayon.

Lumabas ang balitang pagsasara ng himpilan halos apat na taon matapos iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN, ang isa sa pinakamalaking television network sa Pilipinas.

Habang naghihintay ang media workers ng CNN Philippines sa kanilang kasasapitan, nananawagan naman sa ngayon ang NUJP sa management ng lahat ng newsrooms at news organizations na agad maplantsa ang mga kaparehong gusot sa kanilang mga empleyado.

vuukle comment

CNN PHILIPPINES

EMPLOYMENT

LABOR RIGHTS

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS IN THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with