^

Bansa

Kuwalipikadong government workers, pinag-aaplay ng grant sa additional points sa CSE

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) na mag-aplay para sa Grant of Career Service Eligibility – Preference Rating (CSE-PR) ang mga manggagawa sa gobyerno na nasa serbisyo nang hindi bababa sa 10 taon, nakakuha ng kaugnay na kaalaman at kasanayan ngunit hindi nag­tataglay ng naaangkop na civil service eligibility.

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2301123, ang Preference Rating ng maximum na 10 puntos ay ida­ragdag sa nabigong hanay ng rating (70.00 hanggang 79.99) upang makamit ang passing rate na 80.00 para sa mga kwalipikadong apli­kante sa Career Service Exa­minations (CSEs) upang sa gayon ay maging kwalipikado ang mga ito para sa Career Service Professional o Subprofessional eligibility.

“In recognition of these government workers who have already contributed so much in our efforts to provide efficient public service, the CSC has resolved to grant them with CSE pre­ference rating under specific conditions,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.

Saklaw ng nasabing re­so­lusyon ang mga mang­ga­gawa sa ilalim ng JOCOSC6 o Job Order (JO), Contract of Service (COS), Casual, Contractual, Coterminous, mga empleyadong may hawak na Category III at Category IV na posisyon at Career service employees na may first level eligibility.

Upang maging kwalipikado, ang mga aplikante ay kailangang nakaipon ng hindi bababa sa 10 taon ng serbisyo sa gobyerno bilang JOCOSC6.

Ang mga interesado sa pag-avail ng CSE-PR ay dapat na mag-aplay at kumuha ng naka-iskedyul na CSE simula sa Marso 3, 2024.

Nilinaw ni Chairperson Nograles na isang beses lang makaka-avail ng CSE-PR grant ang mga indibidwal.

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with