Metro Manila, nangunguna sa may malalang trapik sa buong mundo
MANILA, Philippines — Hindi tanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naging deklarasyon ng Tomtom Traffic Index (TTI) na ang Metro Manila ang may pinakamalalang problema sa trapiko sa buong mundo.
Sa isinagawang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni MMDA Acting General Manager Don Artes, na ang paraan ng TTI na pinagbatayan ay kuwestiyunable para husgahan ang Metro Manila.
Gumamit lamang aniya ng GPS (Global Positioning System) para sabihin na may mabagal na daloy ng sasakyan.
Batay sa lumabas na ulat, sinabi ng TTI na ang Metro Manila ay nasa average travel time ng 25 minuto at 30 segundo sa kada 10 kilometro noong 2023, kumpara sa 24 minuto at 50 segundo noong 2022 na may congestion level na 52%.
Lumabas sa TTI na ikalawa ang Lima, Peru na may 24 minutes at 20 segundo sa kada 10 kilometro; ikatlo ang Bengaluru, India; Sapporo, Japan; Bogota, Colombia; Taichung sa Taiwan; Mumbai sa India; Kaohsiung sa Taiwan; Pune sa India; Nagoya, Japan; Brussels, Belgium; Geneva, Switzerland; at Tokyo, Japan, na nasa top 15.
- Latest