^

Bansa

PDLs gumagawa ng hollow blocks sa penal farm

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking tulong sa persons deprived of liberty­ (PDLs), dagdag kita at am­bag din sa Bureau of Corrections (BuCor) ang paggawa ng hollow blocks sa loob ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro na bahagi ng programa ng ahensya na “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas.”

Sa ulat kay Bureau of Corrections Director Ge­neral Gregorio Pio Catapang Jr., ni SPPF Superintendent Ro­bert Veneracion na sa taong ito ang SPPF ay napag-prodyus ng nasa 90,000 piraso ng hollow blocks na may-ibat-ibang sukat at laki, na gagamitin para sa pagsasaayos ng mga kasalukuyang pasilidad.

Sa taong ito, ang layunin ng Concrete Hollow Blocks (CHB) Making Pro­ject ay para makatipid sa halip na bumili para sa kons­truksyon sa loob ng piitan at pambenta para sa mga kalapit na barangay sa planong pang-negosyo.

Plano din ng SPPF na madagdagan ang CHB making machine para mas marami ang mai-prodyus.

Nakatuon ang progra­mang ito sa pagsasanay sa mga PDL sa paggawa ng CHB na malawakang gi­na­gamit sa industriya ng kons­truksiyon at nakakapag-ambag sila sa pagkukumpuni at pagtatayo ng mga pasilidad ng bilangguan habang nagkakaroon ng kita para sa SPPF.

CHB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with