^

Bansa

PCSO aminado: Ine-edit namin litrato ng lotto winners 'for security purposes'

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Diretsahang inamin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na in-edit lang ng kanilang tanggapan ang viral photo ng diumano'y Lotto 6/42 winner na siyang nag-uwi ng P43 milyong jackpot prize kamakailan.

Huwebes nang humingi ng paumanhin si PCSO General Manager Mel Robles para sa "poorly edited" photo ng Bulakenyang nanalo nitong Disyembre 2023. Pero pagtitiyak niya, totoong tao ang nabanggit at pinoprotektahan lang.

"Part po 'yan ng pag-conceal [ng identity ng nanalo]. Minsan naa-identify po 'yung damit, " ani Robles habang ginigisa ni Sen. Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means ngayong araw.

"For example, kung at that day 'yung mga kapitbahay po nag-a-ano eh, 'Uy 'yun suot niya eh.' And I agree, it's very poor editing. But the objective is to conceal the clothing na ['wag] ma-identify sa kanya."

 

 

Kahapon lang nang pagpiyestahan ng netizens ang manipuladong litrato, dahilan para magduda ang marami kung totoong tao ba ang nag-uwi ng papremyo.

Ilang beses nang napagtatawanan online ang ganitong editing style ng PCSO, gaya na lang ng 6/58 winner na ito. Umabot kasi hanggang braso ang ipinatong na disenyo sa t-shirt. Bukod pa riyan, walang gusot ang disenyo kahit gusot ang damit.

"We have to protect the identity of the winner. Meron pong nagreklamo sa amin one time, we covered the face pero 'yung damit naman daw po ay nakilala," dagdag pa ni Robles.

"Merong nagreklamo sa amin, favorite clothes daw kasi kaya [nakilala] siya. Your honor, if there's something that we have to apologize, it's the poor editing. But I think it has served its purpose of concealing the identity... We're not very good at editing the clothes." 

Iginiit naman ni Tulfo na nais niyang malaman sa isang executive session ngayong araw ang pangalan ng kontrobersyal na lotto winner, pati na rin ang Grand Lotto 6/55 na tumama ng P698.8 milyon kahapon.

Paniguro ni Robles, maaari naman daw niyang ibigay ang pagkikilanlan ng mga lotto winners kung kanilang ipasa-subpoena.

Tropa ng PCSO official nanalo?

Samantala, nababahala naman si Tulfo sa mga nananalo ng halos P700 milyong papremyo dulot ng e-lotto lalo na't may ugong-ugong aniyang "tropa" ito ng PCSO official.

"Sa executive session, I need to know kung sino 'yung nanalo. Kasi nga po, may nakarating sa amin na katropa niyo [Robles] 'yung nanalo," banggit ng senador sa parehong pagdinig.

"Mamaya mag-e-executive session tayo para masiguro na hindi po katropa ninyo. Kasi 'yun po ang kumakalat ngayon... P30 million daw 'yung in-invest ng tropa ninyo para manalo doon sa P690 million na 'yan."

Aniya, gagamitin nila ang makakalap na datos upang makapagkasa ng imbestigasyon. Posible rin aniya na mag-hire si Tulfo ng private detective para masigurong walang kinalaman kay Robles ang nanalo ng limpak-limpak na pera.

Gayunpaman, maaari na raw umabot sa National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo kung mapag-alamang dikit sa PCSO official ang lucky winner.

Taong 2022 lang nang huling masangkot sa malaking kontrobersiya ang PCSO matapos tamaan ng 433 katao ang P236 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, bagay na pinagdudahan nang marami.

LOTTERY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

RAFFY TULFO

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with