^

Bansa

Widodo nangakong rerepasuhin kaso ni Veloso

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Widodo nangakong rerepasuhin kaso ni Veloso
Indonesian President Joko Widodo signs the official guest book in Malacañang during his official visit to the Philippines on January 10, 2024.
PPA Photo by Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng committment si Indonesian President Joko Widodo na muling rerepasuhin ang kasong illegal drugs na kinakaharap ni Mary Jane Veloso.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sectetary Cheloy Garafil, na ginawa ni Indonesian President Joko Widodo ang pahayag nang makausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tatlong araw na official visit sa bansa.

Si Veloso ay nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia matapos makumpiskahan ng 2.6 kilo ng heroin noong 2010.

Subalit itinanggi ni Veloso na kanya ang nakuhang droga at sinabing ipinadala lang ito sa kanya ng recruiter na si Kristina Sergio.

Ayon kay Garafil, pina­kinggan ni Widodo ang apela ni Pangulong Marcos na suriing muli ang kaso ni Veloso.

“Yes, with the decision of the Indonesian government to look into the case filed by Mary Jane Veloso in the Philip­pines,” ayon pa kay Garafil.

HInihintay na lamang umano ng Indonesian go­vernment ang desisyon korte dito sa Pilipinas na inihain ni Veloso.

Matatandaan na noong Abril 2015 nakatakda sa­nang i-firing squad si Veloso subalit hindi natuloy para mabigyan ng pagkakataon na maging saksi sa  human trafficking case na isinampa sa kanyang recruiter.

JOKO WIDODO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with