Government IDs, kailangan sa voter registration
MANILA, Philippines — Hindi na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpiprisinta ng company identification cards at sa halip ay pawang mga “government issued IDs” na lamang ang tatanggapin para sa muling bubuksan na voters registration sa susunod na buwan.
Itinakda ang Comelec ang voters registration sa Pebrero 12 na magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024.
Ipatutupad naman ng Comelec ang Register Anywhere Program (RAP) sa buong bansa partikular sa mga highly-urbanized cities at munisipalidad o mga siyudad na kapital ng isang probinsya.
Samantala, ang voter registration para sa mga overseas Filipino ay nagpapatuloy hanggang sa Setyembre 30, 2024.
Target ng Comelec na makapagtala pa ng karagdagang tatlong milyong registrants para sa susunod na halalan. Sa kasalukuyan ay mayroong 68 milyong registered voters sa bansa.
- Latest