Paglaya ni Mary Jane Veloso idinulog sa Marcos-Widodo 'bilateral meeting'
MANILA, Philippines — Sumulat ang ina ng OFW na si Mary Jane Veloso kay Indonesian President Joko Widodo kasabay ng pakikipagpulong ng huli kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — ito habang nagdiriwang ang Pinay ng kanyang ika-39 kaarawan sa Indonesian death row.
Nasa Pilipinas kasi ngayong Miyerkules si Widodo para sa isang bilateral meeting kasama si Bongbong sa layuning palakasin ang ugnayan ng Jakarta at Maynila.
"Kagalang-galang na Pangulong Widodo, ako po si Celia Veloso. Ina ni Mary Jane Veloso [at] nagmamakaawa at nakikiusap na sana tulungan po ninyong malakaya ang aking anak," ani Celia sa isang liham na ipinadala ngayong araw.
Liham ng ina ni Mary Jane Veloso na ipadadala kay Indonesian President @jokowi kasabay ng bilaterial meeting kay @bongbongmarcos ngayong araw.
— James Relativo (@james_relativo) January 10, 2024
Si Mary Jane — na nagdiriwang ng kanyang ika-39 kaarawan — ay nasa death row ngayon sa Indonesia. | @PhilstarNews
????@migrante_intl pic.twitter.com/4cG7o3NXpC
Ipinadala ng grupong Migrante International ang naturang liham kay Widodo at Marcos sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa pag-asang mababasa ng dalawang presidente ang apelang "clemency" ng pamilya Veloso para kay Mary Jane.
Taong 2010 pa nahatulan ng bitay si Mary Jane matapos maaresto sa Indonesia diumano dahil sa pagpapasok ng heroin sa naturang bansa. Gayunpaman, patuloy niyang iginigiit ang pagiging inosente.
Matatandaang nabigyan si Veloso ng temporary reprieve noong 2015, dahilan para pansamantalang maligtas sa parusang kamatayan.
"Nagmamakaawa po, sanna maunawaan po ninyo ako bilang magulang [at] ina. Sana palayain na ppo ninyo alang-alang sa dalawang anak ni Mary Jan," wika pa ni Celia.
'Biktima ng trafficking, niloko ng recruiter'
Enero 2020 pa nang mahatulang guilty ng isang korte sa Nueva Ecija ang dalawang job recruiters ni Mary Jane para sa "large-scale illegal recruitment. Dahil dito, napatawan sila ng life imprisonment at P2 milyong multa.
Una nang kinilala ang kanyang mga recruiter bilang sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
"Mary Jane was tricked into carrying a luggage containing drugs into Indonesia. Her traffickers have been identified and arrested, and this was the basis for the stay of execution granted to her in 2015," wika ng Migrante International.
"The PH Supreme Court has already long allowed Mary Jane to testify against her recruiters and traffickers, but she has not yet been asked to provide her testimony that can help prive she is a victim of human trafficking."
Kinundena din ng Migrante ang diumano'y kawalan ng aksyon at "pagpapatay-patay" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya raw nagpatagal kay Mary Jane sa kulungan. Dahil dito, maaari pa rin aniyang matuloy ang pagbitay.
Mga aksyon ni Marcos, sapat ba?
Mayo 2023 lang nang i-follow up ni Marcos ang kaso ni Veloso kay Widodo sa nakaraang ika-42 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kamakailan na susubukan nilang mareresolba ang isyu patungong clemency kasabay ng official visit ni Widodo.
Sa kabila nito, nakukulangan pa rin ang Migrante sa mga aksyon ni Marcos, lalo na't wala na raw ibang aksyong nangyari matapos humiling ng re-examination ng kaso si pangulo.
"We are appealing to Pres. Widodo: We hope that you grant our humanitarian appeal for clemency for Mary Jane," dagdag pa ng grupo.
"We hope that the Indonesian Government works closely with the Philippine Government in combating the rising cases of human trafficking in the ASEAN region and punishing big time criminals, not the victims who are often poor."
"This is the right time. No more delays. Clemency, freedom and justice for Mary Jane Veloso — now!"
- Latest