^

Bansa

Magnitude 6.7 na lindol tinamaan Davao Occidental

James Relativo - Philstar.com
Magnitude 6.7 na lindol tinamaan Davao Occidental
Bandang 4:48 am nang maitala ang epicenter ng lindol 183 kilometro timogsilangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, ayon sa Phivolcs ngayong Martes.
Released/Phivolcs

MANILA, Philippines — Malakas-lakas na lindol ang tumambad sa Mindanao ngayong madaling araw matapos ang magnitude 6.7 na pagyanig, bagay na mag-aanak pa ng mga aftershock.

Bandang 4:48 am nang maitala ang epicenter ng lindol 183 kilometro timogsilangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, ayon sa Phivolcs ngayong Martes.

Una itong naitala bilang magnitude 7.1 na lindol ngunit in-adjust din ng Phivolcs pababa.

Intensity IV (moderately strong)

  • Glan, Malungon, at Kiamba, SARANGANI

Intensity III (weak)

  • CITY OF GENERAL SANTOS
  • City of Koronadal, Tupi, Polomolok, at T'boli, SOUTH COTABATO
  • Alabel, at Malapatan, SARANGANI
  • Matalam, COTABATO

Intensity II (slightly felt)

  • Tampakan, Tantangan, Banga, Norala, Santo Niño, Surallah, at Lake Sebu, SOUTH COTABATO
  • CITY OF ZAMBOANGA
  • Maitum, SARANGANI
  • City of Kidapwan, Makilala, M'lang, Pigcawayan, Tulunan, at Kabacan, COTABATO
  • President Quirino, SULTAN KUDARAT

Intensity I (scarecely perceptible)

  • CITY OF CAGAYAN DE ORO
  • Maasim, SARANGANI
  • Arakan, COTABATO
  • Isulan, SULTAN KUDARAT

"No destructive tsunami threat exists based on available data," paliwanag ng Phivolcs kanina.

"This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake."

Bagama't wala pang inaasahang pinsalang idudulot ng lindol, posible ang mga aftershock o mas maliliit na earthquake mula sa parehong epicenter.

AFTERSHOCK

BALUT ISLAND

DAVAO OCCIDENTAL

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

SARANGANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with