^

Bansa

Ayuda, pangkabuhayan ibigay sa displaced jeepney drivers

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananawagan si House Deputy Majority Floor Leader Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magbigay naman ng ayuda at pangkabuhayan sa mga tsuper ng jeep na mawawalan ng hanapbuhay bunsod ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Sa panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo na ilang libong mga driver daw ang mawawalan ng pagkakakitaan dahil sa modernization program.

“Sa datos mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),  75% lang ng jeepney operators ang nagparehistro para sa nasabing programa”, ayon pa sa ACT-CIS solon.

Aniya, “so, ilang libong jeepney drivers din ang mawawalan ng kita o hanapbuhay. Nararapat lamang na may nakahandang ayuda o pangkabuhayan para sa kanila at this point”.

Ayon pa kay Tulfo, naiintindihan daw nya ang sitwasyon ng pamahalaan na kailangan i-phase out na ang mga lumang diesel engine na mga jeep at palitan ng makabagong Euro4 compliant vehicles para makabawas sa polusyon.

“Hindi naman lahat ng operator kaya bumili ng P2 million na modern jeepney. Kaya dapat may naka-ready na financial assistance sa ilang libong jeepney drivers at pamilya nila sa panahon na ito”, ayon kay Tulfo.

Noong Disyembre 31, 2023 ang deadline para magparehistro ang mga jeepney operators sa mo­dernization program.

Pero reklamo ng ilang transport groups, masyadong mahal o overpriced ang mga ibinibentang modern jeepney.

DEPUTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with