Maharlika fund makatutulong sa maayos na suplay ng kuryente
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang makapagtayo ng mga kinakailangang imprastraktura para matiyak ang maayos na suplay ng kuryente sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan si Speaker Romualdez na siyasatin ang naganap na power outage sa Western Visayas upang mahanapan na ito ng solusyon.
“This event has highlighted critical issues in our power infrastructure, impacting numerous businesses, industries, and the daily lives of our citizens,” ani Romualdez.
Iginiit din ng Speaker ang sama-samang hakbang ng iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) upang hindi na maulit ang power outage.
Sinabi ni Romualdez na nararapat lamang na magkaroon ang mga residente ng Western Visayas ng sapat at maaasahang power infrastructure at susuportahan umano niya ang mga hakbang upang makamit ito.
- Latest